Black Pearl (75)
MULI kaming nagsalo ni Rina. Mas mainit ang nang-yari. Ganun yata kapag pa rehong uhaw at nagmamahalan. Halos magliyab ang kuwarto sa tindi nang mainit na pagmamahalan. Para kaming bagong ka-sal. Akmang-akma kaming dalawa ni Rina. Match na match sa isa’t isa. Wala na akong masasabi pa sa labis na ligayang nadama sa pagsasalong iyon. Iniisip ko naman, paano kung mag-saudi na siya. Maiiwan ako. Baka hindi ko makayang wala siya. Ngayon pa na mang malalim na ang ugnayan naming dalawa.
Napakasarap ng aming tulog. May sikat na ang araw nang gumising kami. Napa kahaba ng aming tulog. Tumatama sa mga mata ko ang liwanag ng araw.
“Anong gusto mong almusal Frankie Boy.”
“Kahit ano, Rina.”
“Me itlog at corned beef ako diyan. Isasangag ko ang natira nating kanin.”
“Okey. Tapos me black coffee?”
“Oo.”
“Halika tulungan na kitang maghanda.”
Sabay kaming bumangon at nagbihis. Bumaba at nagtungo sa kusina, Niluto muna namin ang corned beef at itlog saka ang sinangag. Ako ang nagsangag. Eksperto ako sa fried rice.
Habang hinahalo ko ang sinangag, pinupuri ako ni Rina.
“Mabuti ka pa at marunong magsangag ng kanin, yung asawa ko, lahat asa sa akin. Nung nasa Saudi kami, ako na lahat.”
“Ginawa ka palang katulong.”
“Oo. Tapos niloko pala ako.”
Napatango na lang ako. Hinahalo ko pa ang sina ngag. Kinuha ko ang piniritong itlog na hiniwa-hiwa. Inihalo ko iyon sa sinangag. Ang bango.
Lumapit si Rina. Yumakap sa akin.
“Kapag nawala ka pa sa akin, Frankie Boy, ayaw ko nang mabuhay pa.”
“Hindi ako mawawala sa’yo.”
“Iniisip ko Frankie paa-no kapag nag-Saudi ako. Magkakahiwalay tayo.”
“Yan din ang iniisip ko. Mahihirapan ako kapag wala ka, Rina.”
“Siguro, babalik lang ako roon at mag-stay ng ilang buwan tapos exit na ako. Ba lik na agad ako rito para magkasama tayo.”
“Mag-isip tayo ng in na ne gosyo. Yung kabisado natin.”
“Gusto mo bumili tayo ng lupa sa Mindoro?”
Shock ako. Ba’t sa Min doro?”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending