^

True Confessions

Black Pearl (54)

- Ronnie M. Halos -

INALIS ko nang dahan-dahan ang kamay ni Melissa sa pagkakapatong sa dibdib ko. Nang maalis, dahan-dahan akong buma­ngon. Nakasindi ang lamp­shade kaya madali kong nakita ang mga damit kong nakakalat sa sahig. Pinu- lot ko ang aking brief, pan­ta­­­lon, at t-shirt. Marahan akong nagbihis. Huwag sana akong makagawa ng ingay para hindi magising si Melissa. Nakapag­med­yas ako. Nakapagsapa-   tos na hindi nakagawa ng ingay. Dinampot ko ang backpack. Tinapunan ko ng ti­ngin ang himbing na him­bing na si Melissa. May na­pansin akong ngiti sa kan­yang labi. Paalam Melissa.

Tinungo ko ang pintuan. Marahan kong binuksan. Daha-dahan ko ring isinara. Nagmarahan din ako sa paglakad pababa sa hagdan at baka si Fernando naman ang magising ay masira ang plano ko. Madilim sa salas pero nakikita ko na ang ka­bu­uan ni Fernando habang nakahiga sa sopa. Dinaa-nan ko siya.

Paa­lam Fernan­do. Sala­mat sa alok mo pero hindi ko kaya. Maaaring ngayon at sa mga susunod na araw kaya ko, pero paano pagtu­magal na. Hindi magiging normal ang buhay ko sa ganitong sit­was­yon. Kahit sabihin pang may consent ka, mali pa rin. Sa iyo ay okey iyon pero para sa akin, hindi na tama. Hindi naman ako traidor na kaibigan. Patawad na rin sapagkat, napugayan na kita ng dangal. Siguro, hindi na ako babalik dito.

Nagmamadali ako sa paglabas. Kabisado ko na ang pagbukas ng main door. Kinabig ko iyon. Lumabas ako. Kinabig ko uli at kusang nag-lock kaya walang maka­papasok kahit magnana-kaw. Tinungo ko ang gate at dahan-dahang binuksan. Nang nasa labas na ako ay dahan-dahan ko ring isinara. Malaya na ako.

Nagsisimula nang lumi­wa­nag sa paligid. Alas sing­ko’y medya ng umaga. Ma­la­mig ang hangin.

Nakita ko ang isang pa­parating na traysikel. Kina­wayan ko. Agad lumapit. Nagpahatid ako sa terminal ng van patungong Cala- pan. Pagdating sa terminal, tamang-tamang paalis ang van. Iilan pa lang ang pasa­hero. Umusad na ang van.

Inayos ko ang pagkaka­upo. Pumikit ako. Malaya   na talaga ako kina Fernando at Melissa.

Sumigaw naman ang kon­sensiya ko: “Tama ang ginawa mo! Kung hindi ka umalis, magiging araw-araw na ang pagtatalik n’yo ni Melissa at araw-araw din ang pagbibigay mo ng sakit kay Fernando. Hindi mo kakayanin ‘yun!”

Nakatulog pala ako. Nang magmulat, papasok na sa Calapan port ang van.

Eksaktong paalis ang Super Cat. Bago mag­tang­hali ay baka nasa Bata­ ngas Pier na ako. Maaga pa akong makakarating sa Maynila.

Pagdating ko sa May-ni­la, makapagsisimula uli ako. Aayusin ko ang aking buhay.  (Itutuloy)

AKO

DAHAN

FERNANDO

KINABIG

MARAHAN

NANG

PAALAM MELISSA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with