^

True Confessions

Black Pearl (34)

- Ronnie M. Halos -

“HAYAAN mo si Frank sa diskarte niya. Malay mo may iba pa palang balak ‘yan, di ba Frank?” ta­nong sa akin. Nakangiti.

Tumango lang ako. Noon lang tumingin sa akin si Melissa. Siguro ay para hind mahalata ni Fer­nando na mayroon nang nangyari sa amin. Magaling magtago si Melissa. Siguro, napag-aralan na niya ang mga susunod pa. Ako, hindi ko alam kung ano ang mga sasabihin at isa­sagot.

“Sige na ‘Ma ipagluto mo na kami ng inihaw    na karneng baboy at saka sinigang na maya-maya. Kanina pa kami nauuhaw sa alak.”

“Sige sandali lang.”

“Tawagin mo kaya si Aling Luz at magpatulong ka sa paghahanda,” sabi    ni Fernando.

“Huwag na! Yung ma­tan­dang yun ay pagka­tsis­-mosa. Baka kung ano la­ mang ang itsismis sa akin.”

Napaismid si Fernando.

“Sabi ko nga sa’yo piliin mo ang mga kakausapin mo. Di ba sa palengke sabi ko sa’yo huwag kang basta-basta makikipag-usap sa mga tao roon.”

“Ganoon naman ang gi­nagawa ko ah.”

“Ayaw kong pagtsit­sismisan ka, ‘Ma.”

Umalis na si Melissa para magluto.

“Kaya nga ayaw ko sa­nang palabasin ng bahay ‘yang si Melissa. Marami kasing mga makakati ang dila rito. Kahit na yung ina niya ang nangaliwa, ang tingin na rin sa kanya ay mangangaliwa.”

Napatangu-tango lang ako sa mga sinasabi ni Fer­nando. Hindi ko naman ma­gawang makatingin nang deretso sa kanya.

“Akala siguro makati rin si Melissa. Ikaw ba Frank, anong tingin mo sa asawa ko?”

Mabilis agad akong su­magot.

“Sa tingin ko, mabu­ting babae si Melissa. Bihira ang katulad niya na na­pag­­sisilbihan ka. Sa­kri­pisyo ang ginagawa niya.”

“Tama ka, Frank. Ma­laki na ang sakripisyo   niya sa akin. Kaya kahit na si­guro ano ang gawin sa akin niyan, hindi ko magaga­wang magalit. Hindi ko kaya, Frank…”

Kahit na magtalik kami nang magtalik? Iyon ang lihim na itina­nong ko sa sarili. (Itutuloy)

ALING LUZ

FERNANDO

KAHIT

KAYA

SHY

SIGE

SIGURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with