Black Pearl (27)
TOTOO na ang alak ay mabisa para maging malikot ang imahinasyon. Di ba’t kanina nung hindi pa lumalabas si Melissa sa kuwarto nila ni Fernando ay kung anu-anong produkto ng imahinasyon ko ang lumabas. Kung alam lamang ni Melissa na malaswa na ang nangyari sa amin kanina, naudlot nga lang dahil nabasag ang baso ko.
“O ano Frank at natitigilan ka. Me binabalak ka na yata sa akin e di ko pa alam,” sabi ni Melissa na ang tinig ay nagbabago na. Umeepekto na ang alak. Lumalaban na talaga.
“Ha, a e wala Melissa. Ikaw naman napansin agad ako.”
“Kasi’y natitigilan ka. Anong kaberdehan ba ang iniisip mo?”
“Nag-iisip nga ako.”
Kinuha ni Melissa ang baso ko at sinalinan ng alak. Mababang kalahati.
“Masarap pala kapag nakakainom ano, Frank. Umiikot ang paligid.”
Tinungga ang alak.
“Oy baka magalit si Fernando at ako ang sisihin ha.”
“Ba’t ba takot na takot ka?”
“Kasi’y baka kung ano ang isipin…umiinom ka na kasi. Alam mo naman malalim ang pagkakaibigan namin…”
Tumingin sa akin.
“Paano kung me mangyari sa atin, Frank, ngayong gabing ito?”
Hindi ko alam ang isasagot.
“Hindi ko na talaga kaya Frank. Kung walang mangyayari sa atin. Mas mabuti pa siguro umalis ka na. Bakit ka pa ba nagtungo rito kung walang mangyayari?”
Ano ba ang sinasabi ni Melissa? Dulot siguro ng alak kaya kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig.
“Ikaw at ako lamang ang makaaalam kung sakali, Frank.”
Hindi na talaga ako makaiiwas kay Melissa. Narito na sa harapan ko ang babaing nagsusumamo at nagmamakaawa.
“Kaya mo, Frank?”
Tumango na ako. Paano ako makatatanggi? Nanga ngapal ang mukha ko. Ang init ng masarap na alak ay nanatili at tila nag-uudyok na gawin na ang iniaalok ni Melissa. Kaming dalawa lamang daw ang makaaalam.
“Saan tayo, Melissa?”
“Sa kuwarto mo sa itaas. Mauna ka na roon. Titiyakin ko kung tulog na tulog na si Fernando.”
Tumayo ako. Tila gusto kong bumagsak. Pero nang patungo na ako sa itaas at humahakbang ay tuwid na ang aking mga paa.
Ibinagsak ko ang katawan sa kama. Umiikot ang paligid. Idinuduyan ako. Ang pagkalalaki ay nag-uumigting.
Hanggang sa marinig ko ang unti-unting pagbubukas ng pinto. Nang tingnan ko, si Melissa na.
Kung ano ang nakita ko sa malikot na imahinasyon kanina, ganoong-ganoon din ngayon. Kung ano ang inisip mo, iyon ang mangyayari…
(Itutuloy)
- Latest
- Trending