^

True Confessions

Black Pearl (19)

- Ronnie M. Halos -

MAPULANG-MAPULA na si Fernando dahil sa ini­inom na beer. At ako man din siguro. Kahit na hindi ako magsalamin, alam ko, mapula na rin ako. Kaun­ting alak lang mestiso na ako.

Hindi ko alam, akbay ko na si Fernando at pina­payapa sa kanyang nara­ramdamang kasiphayuan sa buhay.

“Alam mo Frank, nung ma-stroke ako at namatay ang kalahating katawan natiyak ko nang apektado ang pagdyugyog ko. Totoo nga. Nang tangkain kong laruin, ayaw na. Pinalaro ko kay Melissa ayaw din.”

Hindi ako humihinga ha­bang nakikinig kay Fer­nando. Gumagapang ang espiritu ng alak sa isip ko pero maliwanag sa akin ang lahat. Baka kaya naririnig kami ni Melissa ay nakaka­hiya naman sa kanya.

“Pinipilit ng isip ko pero hindi talaga kayang paga­lawin. Wala na.”

“Baka naman masyado mong minamadali, Fernan­do.”

“Hindi ako nagmama­dali. Ayaw talaga.”

“Kapag nanonood ka   ng mga x-rated anong nang­yayari?”

“Parehas din. Andami kong bala ng mga x-rated dyan at nanonood ako sa kuwarto pero ayaw maan­tig. Kung noon ay walang kasingbilis na tumayo, ka­baliktaran ngayon, kulun­toy.”

Bahagya akong ngumi-ti. Wala akong masabi sa problema niya. Hindi na­man ako doctor na alam ang mga gagawin.

“Alam mo ang isang iki­natatakot ko, Frank at ayaw ko sanang dumating iyon, yung si Melissa ang kusang maghanap sa iba. Baka isang araw e malaman ko na lang na natarakan na siya ng iba…”

Nangilabot ako sa sina-bi niya.

“Kaya alam mo ba, me­ron akong guwapu-guwa­pong drayber nung kai-stroke ko lang. Pinaalis ko. Kasi, sa tindi ng depression ko e kung anu-anong naisip ko. Baka isang araw e itong drayber e kubabawan ng kalibugan at itong asawa ko ay banatan. Siyempre, nararamdaman ng lalaki na baka nauuhaw ang ba­bae di ba? Baka saman­talahin.”

“Anong sabi ni Melis- sa nang paalisin mo ang drayber?”

“Wala naman.”

“Pero me tiwala ka na­man kay Melissa?”

Bago sumagot e tu­mung­ga muna ng beer si Fernando. Nagsalin din ako sa baso. Tinungga ko rin iyon. Nagwawating-wating na ako.

(Itutuloy)

AKO

ALAM

ANDAMI

ANONG

AYAW

FERNANDO

SHY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with