Black Pearl (10)

HINDI pa nga inaantok si Melissa at gusto pang ma­kipagkuwentuhan. Ikuku-    ha pa ako ng minatamis na saba. Kakahiya naman sa kanya.

“Etong minatamis na   saba, Frank. Masarap,” sabi ni Me­lissa habang dala ang dala­wang tasa may lamang sa­ging na saba. Nang iba- ba sa harapan ko at yumu-ko ay iniwasan kong sulya-pan ang nag-aanyayang mga dibdib. Kawawa naman ang kaibigan kong si Fer­ nando kapag hinayaan kong pangi­­ba­bawan ng katak­si­lan. Ayaw ko!

Tumabi na sa akin si Me-lissa. Kung kanina ay may pagitam, ngayon ay malapit na lang — mga isang dangkal.

“O kumain ka na. Masa-rap ang gatas na nakalagay diyan, gatas ng baka.”

“Ow?” “Totoo. Me mga ga­tasan kaming baka at tu­wing umaga e dinadala ng mga ta­uhan naming.”

“Bilib na ako kay Fernan­do. Talagang nailagay niya   sa maayos ang perang pi­naghirapan sa Saudi.”

“Mahusay humawak ng pera si Fernando. Talo nga niya ako.”

Tinikman ko ang saba na may kinaskas na yelo at ga-tas ng baka. Wow, malinam­nam nga.

“Anong lasa, Frank?”

“Masarap nga.”

“Tamang-tama ang tamis ano? Sariwa ang gatas kaya nalalasap.”

“Parang gusto ko na ngang dito na manirahan sa Pina­malayan.”

“Ikaw lang e. Sabi ko nga sa’yo dito ka na lang para maligayahan si Fernando.”

“Ang problema e hindi ko pa nga alam kung ano ang gagawin ko rito. Kung mag­tatanim ba ako o magnene­gosyo.”

“Magtanim ka na lang. Ma­ganda ang lupa rito. Yung kape at kakaw ni Fernando, tala­gang boom na boom.   Na­su­wertehan kasi na tala­gang angkop ang lupa na binili niya.”

“Ano pa bang magandang itanim kaysa kape o kakaw, Melissa?”

“Di ba nasabi mo gusto mo e mga bungangkahoy, lasing ka na yata Frank…”

“Hindi pa. Kung lasing na ako e di sana e nagkabuhol-buhol na ang dila ko.”

“Sabi mo pa, uso ang mga herbal ngayon.”

“Ah oo nga ano. E di mas maganda siguro e mangosteen ang itanim ko.”

“Yun puwede yun. Kasi ang balat daw ng mangos-teen e ginagawang tableta para gamot sa diabetes.”

“Talaga?”

“Alam ko ganon ang silbi nun.”

Sinubukan kong biruin.

“E kung talong kaya ang itanim ko, Melissa.”

Napatingin sa akin si Melissa. Para bang namalisyusu­han siya.

“Ikaw Frank, ha.”

“Bakit?”

“Wala.”

“Puwede bang talong Me­­lissa?”

“Bahala ka. Itanim mo sa pagitan ng mani.”

Napalunok ako.

(Itutuloy)


Show comments