^

True Confessions

Black Pearl (7)

- Ronnie M. Halos -

HINDI ko alam kung pa­ano sasabihin kay Melis-sa na tulog na si Fernan­do. Hayaan na lang ba sa ganoong ayos o dadalhin sa kanilang silid. Naka­hilata na si Fernando sa sopa. Kakaawa ang ayos. Ako ang natatakot na baka maulit ang ikalawang stroke at matuluyan. Iba na ang katwiran ni Fernan­do, wala na raw masisira sa kanya kaya wala na siyang patumangga kung uminom. Mamatay kung mamatay!

“Fernando! Fernando!”

Nagulat ako sa tawag ni Melissa. Nasa harapan na pala ito ni Fernando at gini­gising ang asawa.

“Nalasing na Melissa,” sabi ko.

“Ganyan talaga ‘yan, iinom at saka biglang ma­tu­tulog. Natatakot tuloy ako na baka na-stroke na.”

“Lagi ba siyang umi­inom?”

“Oo. Pinagsasabihan ko pero ayaw makinig. Sabi ko baka kung mapaano siya. Pero sabi, kung hindi pa oras mamatay, hindi mama­matay.”

Napailing-iling ako.

“Ililipat ba siya sa ku­warto?” “Oo. Kakaawa ang ayos niya rito sa sopa.”

“Bubuhatin ko siya, Melissa.”

“Kaya mo?”

“Oo.”

“Tutulungan kita.”

“Huwag na. Kaya ko ’to. Noong nasa Riyadh kami   at nalalasing ito e ako ang bumubuhat.”

Tinanong ko kung sa-ang silid dadalhin.

“Doon na lang sa silid na iyon. Mula nang ma-stroke siya doon na lang siya natu­tulog. Hindi na kayang pu­manhik sa itaas.”

Inayos ko si Fernando. Ti­nantiya ko kung kaya ko pa gaya ng dati. Puwede pa. Mas payat nga siya ngayon.

Kinarga ko na. Naia­ngat ko. Saka walang anu-mang dinala sa silid na itinuro ni Melissa. Si Meli­ssa naman ay nasa silid na at inayos ang kama.

Dahan-dahan kong ini­­la­pag si Fernando sa kama. Inayos ni Melissa ang pag­kakahiga. Kinumutan.

“Matutulog ka na rin ba Frank?”

“Mamaya-maya Melissa. Uubusin ko lang ang inii-nom ko. Maaga pa na­man.” Alas nuwebe pa la­mang ng gabi sa relo ko. (Itutuloy)

FERNAN

FERNANDO

INAYOS

KAKAAWA

KAYA

KUNG

OO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with