Laman (64)
HINDI na sinipot ni Raffy si Cynthia mula noon. Ang masakit nga, nakatakda na ang kanilang kasal sa susunod na buwan. Naayos na ang lahat. Naipamudmod na nga ang wedding invitations. Talaga palang nangyayari ang ganoon — may mga babaing iniiwan ng lalaki para lamang makapiling ang iba pang babae. Nagtagumpay si Ate Lina na maagaw si Raffy sa kaaway niyang si Cynth.
Ipinagkaloob ni Ate Lina ang sarili kay Raffy. Iyon naman ang kapalit ng pagtalikod ni Raffy kay Cynth. Pero ayon kay Ate Lina, siguro nga’y mahal siya ni Raffy sapagkat wala itong pagsisisi sa ginawang pagtalikod kay Cynthia.
“Nagsisisi ka, Raffy?” tanong ni Ate Lina habang magkatabi silang magkayakap at hubad. Nasa isang hotel sila sa Tagaytay. Doon sila nagtungo para “magtago”.
“Ba’t naman ako magsisisi? Baka magsisi ako kung hindi kita nakuha.”
Hinalikan niya sa labi si Raffy.
“Talagang mahal mo ako?”
“Kailangan mo ba pang itanong ‘yan?” “Malay ko kung ang gusto mo lang sa akin ay ang “petsay” ko. Malay ko kung libog lang ang naramdaman mo.”
“Iiwan ko ba si Cynth kung “libog” lang ang naramdaman ko?”
Hinalikan pa ni Ate Lina si Raffy.
“Ano kayang gagawin ng siyota mong si Cynth kapag nalamang wala nang kasal na matutuloy.”
“Okey lang din siguro sa kanya. Matigas naman ang babaing iyon. Hindi iyon basta sumusuko.”
“Gaano kaya siya katigas, Raffy?”
“Matibay siya, Lina. Ayaw ko rin naman sa babaing hindi marunong yumuko.”
“Bakit mo siya nagustuhan?”
“Hindi ko nga maintindihan. Ewan ko…”
“Pero ang tagal n’yo di ba?”
“Oo.”
“Nang dumating ako sa buhay mo, biglang nawala ang pagtingin mo sa babaing ‘yun?”
“Oo.”
Natahimik si Ate Lina. Nag-isip nang malalim. Nakayakap siya kay Raffy.
“Pagkatapos nito, tahimik na siguro ako,” sabi niya pagkatapos.
“Anong tahimik, Lina?”
Hindi nakasagot si Ate Lina. Bakit ba nasabi niya iyon?
(Itutuloy)
- Latest
- Trending