Karugtong ng Init(91)
“TAMA pala ang mga ikinuwento sa akin ni Rita. Umiyak ka nga raw nang umiyak pagkatapos nating magkaharap noon.”
“Nagkakausap kayo ni Rita?” takang-taka si Michelle. Hindi akalain na mayroon kaming komunikasyon ng kanyang katulong.
“Oo. Malaki ang nagawang tulong ni Rita sa relasyon natin.”
“Paanong nangyari iyon?”
Ikinuwento ko ang lahat kay Michelle ng mga pagkikita at pag-uusap namin ni Rita sa isang drug store at isang restaurant. Sabi ko pa, napakasuwerte niya dahil nagkaroon siya ng isang matalinong maid.
“Si Rita ang nagsabi sa akin na dapat ay ligawan kitang muli at magpakita ng pagsisisi. Sinunod ko ang payo niya. At napatunayan kong tama siya.”
Pinisil ko ang palad ni Michelle.
“E di ikaw din ang nagpapadala sa akin ng tatlong red roses ano?”
“Oo.”
“Me kutob na ako na ikaw yun. Kasi noon pang nag-aaral tayo sa UST, madalas mo na akong ibili ng tatlong mapupulang roses. Kaya lang, sabi ko sa sarili ko, baka naman masyado lang akong umaasa tapos hindi naman pala at mabigo lang uli ako.”
“Ngayon ay pawang totoo na ito, Michelle.”
“Kailangan palang magkahiwalay tayo para lamang ma-realized ang importansiya ng bawat isa ano? Kung kailan nawala na e saka lamang maiisip ang kahalagahan.”
“Oo nga. Kailangan munang makaranas ng pasakit.”
Kumilos ako para halikan ang aking mahal. Ibig kong magkasalo muli kami. Masyado akong nasabik kay Michelle. Gusto ko muling ipadama ang labis na pagmamahal sa kanya.
“Gusto mo na uli, Ross?”
“Oo.”
“Hindi ka pa ba napapagod?”
“Kalabaw lamang ang napapagod.”
Kinurot ako sa hita.
Sinalat ko naman ang “ano” niya. Napapitlag.
“Ross ha, baka masobrahan na ako. Galing ako sa sakit.”
“Kahit na galing ka pa sa sakit. Wala akong pakialam.”
“Ay ang hilig.”
“Masyado akong nauhaw sa kaseksihan mo, Michelle.”
Si Michelle naman ang sumalat sa “ano” ko. Hindi ako napapitlag. Dinuhapang ko na siya para masundan pa ang ginawa namin kanina. Dinugtungan namin ang napigil na init.
(Tatapusin na bukas)
- Latest
- Trending