Karugtong ng Init(86)
LUMAPIT ako sa bed ni Michelle. Nakapikit siya. Pinagmasdan ko. Hinanapan ko ang mukha ng tanda ng stroke. Wala naman akong makita. Iyon pa rin ang magandang mukha ni Michelle.
“Mister!”
Nagulat ako sa tawag. Ang doctor pala na tumitingin kay Michelle.
“Dok ano pong lagay niya?”
“Sa ngayon wala pa. Kailangang maisailalim siya sa CT scan para malaman kung may nagdugo sa kanyang utak. Don’t worry, hindi naman ganoon kagrabe. By the way, ikaw po ay kapatid ng pasyente?”
“Boyfriend po.”
“Hmmm.”
Iyon lang at muling tiningnan ng doktora si Michelle. Nananatiling naka-pikit si Michelle. Umalis ang doktora.
Ako ay nanatiling nasa tabi ni Michelle. Ayaw ko siyang iwan. Gusto ko, pagmulat niya ay ako ang ma-kita niya. Habang nakapikit si Michelle ay napagmas- dan ko ang maninipis ni- yang labi. Ako pa lamang ang nakakahalik sa kanyang mga labi. Kahit na matagal siyang nasa Australia ay hindi siya nakipag-boyfriend sa iba. Ako ang kauna-unahan niyang boyfriend. Unfair talaga ako dahil sinaktan siya. Pero ngayon, ipa kikita ko sa kanyang nagsisisi na ako at gagawin ang lahat para muli siyang mapaibig.
Nang muling lumapit ang doktora ay nag-advise na kailangang kumuha na ako ng kuwarto para ma dala na roon si Michelle.
Mabilis akong nagtungo sa admitting section ng ospital. Isang solong kuwarto para kay Michelle ang kinuha ko. Naglabas ako ng perang pangdown. Kahit mahal ang kuwarto, wala akong pakialam.
Si Rita ay nabahala.
“Kuya ang mahal ng kuwarto, baka wala kaming ibayad ni Ate?”
“Ako naman ang mag-babayad. Huwag kang mag-alala. Akong bahala. Gusto ko nasa isang magandang silid ang Ate mo.”
Makaraan ang kalahating oras ay dinala na si Michelle sa kuwartong kinuha ko.
At natupad ang kahilingan ko na pagmulat niya ay ako ang makikita.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending