^

True Confessions

Karugtong ng Init (78)

- Ronnie M. Halos -

“NAGMAMADALI ka ba?” tanong ko sa katu­long.

“Opo Kuya. Kasi ka- ila­ngan ni Ate Michelle itong gamot.”

“Para saan ba ang ga­mot na ‘yan?”

“Sa high blood po.”

“Sinong me high blood?”

“Si Ate po.”

Napamaang ako. Me hypertension na si Mi­chelle. Dahil kaya sa pro­blemang idinulot ko? Baka isa iyon. Baka sa sobrang stress na rin sa trabaho   niya sa Australia para ma­ka­pag-ipon ng perang pam­paopera sa ama na wala   rin namang nangyari dahil nga namatay din ito.

“Kasi’y ililibre sana ki-tang kumain diyan sa ba­gong restaurant. Magku­wentuhan tayo. Pero sige huwag na muna ngayon dahil baka hinihintay na ang gamot. Puwede kang makausap bukas, ganito ring oras?”

“Kuya baka mahalata ako ni Ate. Kasi kapag lu­ma­labas ako, sandali lang talaga. Tulad ngayon, hini­hintay na niya ako.”

“Kahit sandali lang bu­kas, me itatanong lang akong mahalaga. Sige na naman…”

“Kuya natatakot ako.”

“Pakiusap naman. Ma­halaga lang…”

Nag-isip ang katulong. Hindi agad makapag­ pas­ya. Pero naawa yata sa akin.

“Sige Kuya, pero san-dali lang talaga,”

“Salamat. Ano nga ba ang name mo?”

“Rita po.”

“Sige Rita, ganito ring oras ha? Doon sa bagong restaurant na iyon tayo ha?”

“Opo.”

“Ako si Kuya Ross.”

“Alam ko na po Kuya kasi lagi kang ikinukuwen-to sa akin ni Ate… ay bakit ko ba nasabi…”

Lalo akong nabuhayan ng loob sa huling sinabi ni Rita.

“Sige Kuya at baka hina­hanap na ako ni Ate.”

Umalis na si Rita. Hina­bol ko siya ng tingin. Masa­yang-masaya ako.

Pag-uwi ko ng bahay ay eksaktong tumawag ang kapatid kong si Abby. Na­ngungumusta kung may development sa amin ni Michelle.

“Ano Kuya, nakita mo na ba ang telephone number ni Michelle?”

“Hindi pa Abby,” pagsi-si­nungaling ko.

“O akala ko ba e gus­tong-gusto mo siyang ma­kausap para makapag­liwanag nang husto.”

“Hindi ko makita ang mga directory Abby.”

“Nasa bakanteng ku­warto, Kuya. Naroon lahat pati lumang directory.”

“Oo sige kukunin ko na. Hahanapin ko na.”

“Tawagan mo ako bu-kas kapag nakita mo ang number at ako na ang ta­tawag para makahingi ka ng sorry sa kanya.”

“Salamat Abby.”

Hindi ko muna ipaa­alam kay Abby na hindi lamang phone ang nala­man ko kundi naging ka­ibigan ko na pati katu-   long ni Michelle na si Rita. Bukas marami pa akong malalaman kay Rita.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ANO KUYA

KASI

KUYA

MICHELLE

SHY

SIGE KUYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with