^

True Confessions

Karugtong ng init (74)

- Ronnie M. Halos -

“PAANO kung ayaw na talagang makipag-usap sa’yo ni Michelle, Kuya?”

Nasa tinig ni Abby ang pagkabahala. Para bang mayroon siyang kinata­takutan. Parang ayaw lang niyang sabihin sa akin na huwag na akong magpumilit sa isang taong wala nang pagma­mahal sa akin.

“Tulungan mo akong makausap siya. Para maipaliwanag ko ang lahat at nang makahingi ako ng sorry. Kapag pinatawad niya ako, hindi ko na siya iistorbohin. Ang gusto ko lang, marinig ang patawad niya.”

“Sige Kuya, subukan kong kontakin siya. Ni hindi ko nga alam ang phone number niya. Maski ang e-mail address niya nagbago na rin.”

“Hahanapin ko sa PLDT directory ang pangalan niya. Siguro naman, hindi pa nawawala ang name niya sa directory.”

“Sige Kuya. Bukas da­daan uli ako rito. Mas ma­ganda sana kung maku-   ha natin pati cell number…”

“Sige akong bahala. Kapag hindi ko nakita sa   directory ang name niya       e gagawa ako ng ibang paraan. Hindi ako titigil hangga’t hindi nakukuha ang number niya.”

Nagpaalam na si Ab­ by.

Pag-alis niya, kinuha kong lahat sa aming cabinet ang mga lumang di­rektoryo ng PLDT. Hindi namin itinatago ang mga lumang direktoryo.

Hinanap ko ang apel­yidong DE BELEN sa di-rectory. Maraming DE BELEN. Hinanap ko ang Michelle de Belen. May nakita ako. Excited ako. Pero nawala ang excitement nang makitang iba ang address ng Michelle de Belen na aking nakita. Wala nang iba pa.

Saka bigla kong naisip, bakit Michelle de Belen ang aking hinahanap gayung ang ama niya ang may-ari ng bahay at siyempre, dito nakapangalan ang number ng telepono. Ang problema ay hindi ko maalala ang pangalan ng kanyang ama. Binalikan ko ang nakaraan. Tila ANDO ang nickname ng tatay ni Michelle o parang KANDO…Parang MANDO…o parang NAN­DO... Hindi ko maisip!

Inisa-isa ko ang mga pangalan ng lalaki na may apelyidong DE BELEN. Napakarami. Halos ma­duling na ako sa pag-isa- isa sa mga pangalan. Hang­gang sa mabasa ko ang pangalang SENAN­DRO DE BELEN. Tama! NANDRO nga ang pala­yaw. Maraming beses na nabanggit ni Michelle ang palayaw na NANDRO. Tiningnan ko ang address ni SENANDRO DE BELEN. Dimasalang, Sampaloc, Manila. Eto na nga ito. Hindi ako maaaring mag­­kamali.

Agad kong isinulat ang number ni SENAN­DRO DE BELEN. Tinu­ngo ko ang kinapapa­tungan ng telephone. Dinayal ang numero.

(Itutuloy)

AKO

BELEN

HINANAP

KAPAG

MICHELLE

NIYA

SHY

SIGE KUYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with