^

True Confessions

Karugtong ng Init (73)

- Ronnie M. Halos -

TINALIKURAN ako ni Mi­chelle. Ang paghingi ko ng patawad sa mga na­ga­wang kasalanan ay hindi niya tinatanggap.

“Michelle! Michelle!” sigaw ko. Kumapit na ako sa rehas ng gate.

Pero wala na siyang na­ririnig. Tuluy-tuloy siya sa pagpasok sa loob.

“Michelle! Patawarin mo na ako! Nagsisi na   ako, Michelle!” sigaw ko pa. Mas malakas sa nauna kong pagsigaw. Hindi ko na napi­gil ang sarili sa pag­kakataong iyon.

Ang babaing nakausap ko kanina ang naki­usap    sa akin.

“Kuya, nakakahiya po sa kapitbahay, me mga nakasilip na po sa mga bin­tana at nakatingin dito.”

Natauhan ako. Napati­ngin ako sa bahay na nasa gawing kanan. May mga tao ngang nakasilip sa bintana. Nakita ko rin sa gawing kali­wa ang mga ulo ng taong na­kasilip sa kani-kanilang bintana.

“Bigyan mo po ng kahihi­yan si Ate Michelle. Pagod po siya dahil kararating lang mula sa biyahe.”

Napalunok ako. Marahan naman ang pagsasalita ng babae. Nakikiusap siya.

“Kung maaari po sana e umalis na kayo, Sir. Kasi po tila wala nang interes na makipag-usap si Ate…”

“Ako ang dati niyang boyfriend. Gusto ko lang na­mang humingi ng sorry sa kanya. Yun lang para mata­hi­mik na ako.”

“E Kuya, kung maaari po sa ibang araw na ikaw bu­malik, kasi talagang naka-ka­hiya sa mga kapitbahay.”

“Pakisabi mo naman sa kanya na nagsisisi na ako. Sabihin mo, matagal ko nang pinagsisihan ang lahat.”

“Sige po Kuya sasabihin ko.”

“Salamat.”

Tatalikod na sana ako at aalis nang bigla kong ma­alalang itanong sa babae, “Alam mo ba kung kailan muli ang alis niya?”

“Matagal pa po siguro, Kuya.”

“Salamat. Ano nga ang pangalan mo?”

“Lea po.”

“Salamat, Lea. Pakisabi mo na lang sa kanya ang mga sinabi ko.”

“Opo Kuya.”

Humakbang na ako. Hindi ako nahihiya kahit alam   kong may mga nakasilip sa kani-kanilang mga bintana. At least, naisigaw ko sa ka­ra­mihan ng tao na nagsisisi na ako sa nagawa. Naibu­lalas ko ang matagal ko nang kinikimkim.

Pagdating sa bahay, ang una kong ginawa ay tina­wagan ang kapatid kong     si Abby para ipaalam ang balitang narito na sa Pili­pinas si Michelle.

Hindi makapaniwala si Abby.

“Galing ako roon, Abby at nakaharap ko.”

“Anong sabi?”

“Hindi ako pinansin. Pa­rang wala siyang nakita.”

“Baka naman bulag?”

“Huwag kang magbiro, Abby. Tulungan mo ako!   Ka­ilangang makausap ko nang masinsinan si Michelle.”

(Itutuloy)


AKO

ATE MICHELLE

E KUYA

KUYA

MICHELLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with