^

True Confessions

Karugtong ng init (39)

- Ronnie M. Halos -

HINAYAAN ko lang si Rica kahit na nagpupu­yos na ang sarili ko. Saan ka naman nakakita ng babae na nasa ka­pitbahay sa dis-oras ng gabi? Inaasahan kong nasa bahay si Rica at inaasikaso ang anak namin pero nasa ka­pitbahay nga at hindi     ko alam ang ginagawa.

Ayaw ko nang gulo kaya hinayaan ko. Pag-uwi niya saka ko itata­nong kung ano ang gi­nagawa niya sa kapit­bahay. Pero pipilitin ko pa ring maging kalmado sa pagtatanong. Pipilitin kong magpasensiya.

Pasado alas-diyes na ng dumating si Rica. Na­katulog na ako sa pag­hihintay. Nagulat ako nang mayugyog ang kama dahil sa pagtabi niya sa akin.

Hinalik-halikan ako sa leeg. Dinama ang “ano” ko.

“Saan ka galing?” ma­baba ang tono ng boses ko.

“Sa kabilang pinto, ni­yaya ako ng bagong na­ngungupahan…”

“Niyaya saan?”

“Magtong-its. Ano raw para malibang.”

Sugal. Marunong pa­lang magsugal si Rica.

“Mabait ‘yung lumipat diyan. Kinaibigan agad ako.”

Pinilit kong maging mahinahon kahit na naa­asar ako. Patuloy siya sa pagsasalita. Nagdede­pensa. Pinilit kong maging kalmado.

“Walang anak yung lumipat d’yan. Matagal na raw kasal. Kami lang tatlo ang naglaro.”

Tumangu-tango lang ako.

Gumala naman ang kamay ni Rica.

“Pagod ka Ross?”

“Medyo.”

“Kaya mo pa?” tanong nito sabay dakma sa “ano” ko. Mainit na naman si Rica. Walang ipinagbago sa “kaelyahan”.

“Ano tayo, Ross?”

Sabik na rin ako. Si Rica ang gumawa ng paraan para lalo akong mag-apoy. Doon sa larong iyon kami mag­ kasundo ni Rica. Mag­katugmang-magkatug­ma ang aming panlasa. Mahusay na mahusay talaga si Rica. Wala si­yang tinatapon.

(Itutuloy)

AKO

ANO

PINILIT

RICA

SAAN

SHY

SI RICA

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with