^

True Confessions

Karugtong ng Init (31)

- Ronnie M. Halos -

“GALIT ka?”

Nakadilat ang mga mata ni Rica. Siguro’y napikon sa sinabi kong si Abby ang titira dito sa bahay. Hindi yata nagustuhan ang tono.

“Hindi ako galit.”

“Puwede naman akong mamuhay nang mag-isa kahit wala ka.”

“Tama na. Aalis na tayo. Kumain ka na muna at maligo.”

Tumigil. Sumunod sa utos ko. Tumitiklop din pala.

Habang naliligo si Rica   ay iniisip ko ang mga su­sunod na gagawin. Kaila­ngang maging malinaw ang isip ko sa ganitong sitwasyon. Narito na ito at dapat panin­digan ang nangyari. Kahit pa sa kabila na nakikita kong unti-unti nang lumalabas ang tunay na kulay ni Rica. Kung sana ay puwedeng magbasu­ra ng tao… sana…

Maghahanap ako ng titira­han namin ni Rica. Gusto ko, sa malapit na sa aming opisina para hindi na kailangang ma­masahe pa. Mas makakatipid. Iyon ay kung type ni Rica. Kung hindi niya magugustuhan ang makikita kong tirahan, baka magbago ang plano.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang mag-ring ang phone. Agad kong tinakbo iyon at sinagot.

“Hello?”

“Hello, Ross!”

Namutla ako. Si Michelle.

“Hello, Ross! Si Michelle ito.”

Hindi ko magawang suma­ got. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Tinakpan ko ng kaliwang palad ang isang bahagi ng telepono at saka dahan-dahang ibinaba.

Napasalampak ako sa sopa. Diyos ko, ano ang gagawin ko? Wala akong lakas ng loob na kausapin si Michelle. Hindi ko kaya. Ayaw ko nang makipag-usap sa kanya.

Maya-maya ay nag-ring uli ang telepono. Hindi ko mala­ man ang gagawin. Tiyak na si Michelle uli ang tumatawag. Hindi ko siya sasagutin.

Hanggang sa marinig ko ang pagbubukas ng pinto ng banyo. Palabas na si Rica. Pa­tu­ loy pa rin ang pag-ring ng te­lepono. Dali-dali kong tinungo ang telepono pero hindi iyon sinagot. Ini-hang ko lang.

Kahit na naka-hang ay nari­-ri­nig ko ang pag-hello ni Mi­chelle. Umuukilkil sa taynga ko.

“Sino ‘yan?” tanong ni Rica nang dumaan sa tapat ko at na­ kita ang naka-hang na phone.

“Sa credit card. Nanana­kot.”

“E di ibagsak mo ang phone para matanggal ang tutuli,” sabi at nagpatuloy sa pagtu­ ngo sa kuwarto.

“Bilisan mo ang pagbibihis at aalis na tayo,” sabi ko.

Hindi ko pa rin inaalis ang phone sa pagkaka-hang. Hindi ko na naririnig ang boses ni Michelle sa linya. Siguro’y nag­sawa na sa kahe-hello.

Naibagsak ko ang katawan sa sopa. Kawawang Michelle. Ano itong nagawa ko sa kanya? Hindi ko magagawang kausapin siya. Hindi ko mati-take ang marinig siyang umi­iyak. Alam ko, iyakin si Mi­chelle. At ang walang kasing sakit na ginawa ko ay sapat na sapat para bumuhos ang masaganang luha sa kan­yang mga mata. Ayaw kong marinig na umiiyak siya kaya titiisin ko nang huwag siyang makausap kahit kailan. Pata­wad, Michelle sa nagawa kong malaking kasalanan.

Lumabas si Rica sa ku­ warto. Bihis na. Nagmama­dali akong nagsapatos. Bago kami lumabas, ibinalik ko ang telepono sa dating posisyon. Lumabas na kami.

Hindi pa kami nakakala­yo, muling nag-ring.

(Itutuloy)

AYAW

KAHIT

KAWAWANG MICHELLE

MICHELLE

RICA

SHY

SI MICHELLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with