^

True Confessions

Karugtong ng init (7)

- Ronnie M. Halos -

“E di kalimutan na muna ang balak natin next year?” sabi ko kay Michelle. Tungkol iyon sa balak naming pagpapakasal.

“Oo. Makaka­pag­hintay pa naman di ba. Basta ang mahalaga ngayon ay makapag-ipon ako ng pampa­opera.”

“Sige. Basta ba walang limutan. Basta ba walang…”

“Aba at parang duda ka pa pala sa akin. Kung hindi kita mahal hindi ako magpapaano sa’yo.”

Hinimas ko ang ka­may. Dumako sa maki­nis niyang braso.

“Basta ako lang ha, Michelle?”

“Siyempre naman.”

Makalipas lang ang ilang araw ay positibo nang makakapunta ng Australia si Michelle. Open pa ang posisyon na iniaalok sa kanya para sa sister hotel nila sa Brisbane. Madali siyang makakapunta roon dahil kuwalipika- do siya.

Nang magkita kami, nabawasan na ang   pag-iisip ni Michelle ukol      sa tatay niya na may­sakit. Malaki ang pag-asang madugtungan ang bu­hay dahil maipa­oopera niya ito kapag nakapag­trabaho na sa Australia.

“Kapag natapos ko na ang obligasyon kay Tatay, pakasal na agad tayo ha?”

“Oo. Kaya nga hu­wag mo nang isipin na magtagal doon.”

“Pero kung magka­roon ng pagkakataon     at maging immigrant ako, kukunin kita.”

“Ako ba ang uunahin mo o ang tatay at kapa­tid mo?”

“Ikaw muna siyem­pre,” sabi at nagtawa.

“Akala mo naman napakadali ano?” sabi ko.

“Walang biro, Ross kukunin kita. Doon tayo manirahan. Masarap daw doon.”

“Ang taas ng panga­rap mo. Saka na nga natin pag-usapan ‘yan,” sabi ko para mailayo     sa paghihiwalay ang usapan.

Sa totoo lang, unti-unti nang naghihirap ang kalooban ko sa paghihiwalay namin ni Michelle. Parang hindi ko matanggap na mag­kakalayo kami.

Mabilis na naayos ang mga papeles ni     Mi­chelle patungong Australia. Talagang wala nang makapipigil pa.

Ilang araw bago ang paglipad niya, nagka­sarilinan muli kami    sa isang motel sa Pasay — doon sa motel na dati naming pinuntahan noon. Pero sana ay hindi na namin ginawa iyon dahil mas masakit pala ang idudulot. Sana pinigil na lang.

(Itutuloy)

DUMAKO

HINIMAS

IKAW

MICHELLE

OO

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with