Karugtong ng Init (5)
NANG makatapos kami ng kolehiyo ay sabay din kaming nagkaroon ng trabaho. Si Michelle ay sa isang five star hotel natanggap at ako naman ay researcher sa isang Science magazine. Kapwa nasa Makati ang aming pinapasukan kaya paglabas ko sa hapon ay pinupuntahan ko siya at sabay kaming umuuwi. Kung minsan ay kakain kami sa labas at madalas ay sa sinehan. Pareho kaming mahilig manood ng sine. Sa sinehan kami unang nagkaroon ng “malalimang kontak” ni Michelle. Pareho pa kami walang alam. Pero habang tumatagal pala e matututuhan din iyon. Ganoon pala. Kapag nanonood kami ng sine ang pipiliin namin ay yung malayo sa mga karamihan. Siyempre, para malayang magawa ang gusto. Pero hanggang halikan at hipuan lang kami. Hindi na lumalampas doon. Pero kapag pala madalas na ganoon ang ginagawa ay nakakasawa rin at hahanapin ang mas exciting pa roon. Kaya napilitan na akong humiling kay Michelle. Umuungot. Nagmamakaawa. Sasabihin naman niya, na maghintay akong makasal kami. Ibibigay lang daw niya kapag nakasal na kami.
Pero siguro e hindi na rin makatiis ang mahal ko kaya pumayag na rin. Noon ngang gabi ng birthday ko, ipinagkaloob ang “hiyas” na matagal ko nang mini mithi. At happy ako. Lalo ko siyang minahal. My only love.
Minsang lumabas kami ni Michelle ay humiling muli ako.
Tumanggi siya.
Napansin kong matamlay.
‘‘Bakit?’’ tanong ko.
‘‘Me problema.’’
“Ano?”
“Si Tatay me sakit sa puso. Pinaeksamin namin, delikado ang lagay niya.”
Hindi ako makapagsalita. (Itutuloy)
- Latest
- Trending