^

True Confessions

Ang kasalanan namin ni Luningning (49)

- Ronnie M. Halos -

NAKATINGIN sa amin ni Luningning ang maid na   si Elvie. Karga ang tulog na si Joepe.

“Matagal ka nang na­katayo diyan, Elvie?” tanong ko.

“Hindi po.”

“Me narinig ka sa pi-nag-uusapan namin?”

“Wala po.”

Nakita ko ang lihim na pagtingin sa akin ni Lu­ningning na nagsasabing huwag na akong magta­nong pa sa maid. Bakit nga ba ganoon ang naitanong ko kay Elvie. Baka mag-hi­nala pa at magsumbong kay Gina. Pero sa paki­ramdam ko, baka nga hindi niya narinig dahil hindi pa siya natatagalan sa pagkakatayo sa may pinto.

“Tulog na po kasi si Joe­pe at dadalhin ko sa ku­warto.”

“Sige dalhin mo na. Inga­tan mo lang at baka magi­sing,” sabi ko.

Nakatingin sa akin si Luningning. Tila may gusto pang sabihin kaugnay ng napag-usapan namin ka­nina.

“Okey na ang usapan natin, Rico?”

Tumango ako. Okey na nga ang arrangement na­min. Parang walang nang­yari. Tuloy ang buhay. Basta huwag ko lang daw paba­yaan ang aming anak ha­bang siya ay nasa Saudi. Walang lihim na mabubun­yag. Kaming dalawa lamang ang nakaaalam ng lahat.

“Ganito siguro talaga ang kapalaran ko,” sabi ni Luningning at tumingin sa may kuwartong pinasukan ng maid na si Elvie. “Pero hindi ako nagsisisi dahil nagkaroon ako ng anak.”

“Maaari ka pa namang mag-asawa, Luningning.”

Nagtawa. Parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

“Ba’t ka nagtawa? Hin-    di naman imposible dahil bata ka pa.”

“Bata pa ang 42?”

“Oo. Iyong iba nga nag-aasawa e malapit nang mag­­singkuwenta at may nag­kakaanak pa.”

“Delikado na ‘yun. Baka magkadeperensiya ang     isi­silang.”

“Malay mo pagbalik mo sa Saudi e mayroong manli­gaw sa’yo.”

Nagtawa uli.

“Ewan. Kung walang manligaw e okey lang. May­roon naman akong Joepe. Tama na sa akin si Joepe.”

Pero nagdilang-anghel yata ako sapagkat nang magbalik sa Riyadh si Lu­ningning ay may ibinalita kay Gina. May nanliligaw daw.

“Sana wag lokohin si Luningning. Kawawa na­man ang kapatid ko ka-pag niloko uli ng lalaki.”

Ako man ay nakasam­bit ng dasal na sana nga makatagpo na ng lalaki     si Luningning. Para ganap nang maging sarado ang nangyari sa amin. Kung makapag-aasawa si Lu­ningning, may sarili na siyang buhay at maba­baon na sa limot ang lahat. Ang ayaw ko lang mang­yari, huwag na sana ni­yang kunin si Joepe sa amin. Huwag na sanang bawiin ang anak ko.

(Itutuloy)

vuukle comment

ELVIE

GINA

JOEPE

LUNINGNING

NAGTAWA

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with