^

True Confessions

Ang kasalanan namin ni Luningning (40)

- Ronnie M. Halos -

HABANG nasa eroplano at naglalakbay patu­ngong Pilipinas ay iniisip ko kung ano ang mukha ng anak namin ni Luning­ning. Kung noon ay wala akong pakialam sa mga ikinukuwento ni Gina ukol sa bata, ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang pagkasabik na nada­rama. Gusto ko nang hatakin ang oras para ma­kababa sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplano para makita ang aking anak kay Luningning na ang nickname ay Joepe na hango sa Jose Pedro (mga lolo raw nina Gina.)

Hindi ako makatulog sa­pagkat masyado akong excited. Isa pang ikinatutuwa ko ay ang pag­takas sa Riyadh kung saan ay nakagawa kami ng ka­salanan ni Luningning. Siguro ay iisipin ng mga nakababasa na masyado na akong korni dahil paulit-ulit kong sinasabi ang ga­nito pero talagang ma­laking tagumpay sa akin na maiwasan na si Luning­ning. Ayaw ko nang maulit ang kasalanan na aking nagawa. Huling kasalanan na iyon at hindi na mauulit kahit na ano pa ang mang­yari. Saka ko na lamang iisipin ang mga susunod na pag-iwas kung dumating na ang panahong umuwi o magbakasyon si Luning­ning. Matagal pa iyon at marami pang mangyayari.

Hindi ko rin naiwasang hindi makaidlip. Nang ma­gising ako ay malapit na raw ang eroplano sa Pili­pinas. Mga ilang oras pa raw at bababa na kami sa destinasyon.

Muli kong nilibang ang sarili sa pag-iisip tungkol sa anak namin ni Luningning. Sabi ni Gina ay nakatutuwa na raw ang itsura ng bata. Nawawala raw ang kan­yang pagod. Maski raw ang dalawa naming anak na babae ay aliw na aliw sa bata. Walang kamalay-malay ang aking dalawang anak na ang kanilang nila­laro ay kapatid din nila.

Sa wakas ay nasa NAIA na kami. Pakiramdam ko, iyon ang pinakamasaya kong pag-uwi sa Pilipinas.

Mabuti at hindi siksikan sa NAIA. Kaunti lang ang mga dumating. Mabilis lang ang pila sa Immigration at ganundin ang pagkuha sa bagahe. Wala pang kalaha­ting oras ay palabas na ako.

Naroon na at naka­abang sa akin ang aking mag-iina. May ka­samang maid si Gina at ito ang may karga sa anak namin ni Luning­ning.

Niyakap ako ni Gina. Kasunod ay ang dalawa kong anak. Itinuro ni Gina ang baby na karga ng katulong.

“Siya ang anak ni Luningning, Rico.”

Tiningnan ko. Nakita ko ang aking sarili sa mukha ng bata. Hindi maipagkakamali na anak ko nga.

“Ayan na ang sasak­yan natin, Rico. Tayo na!” sabi ni Gina.

(Itutuloy)

ANAK

AYAN

GINA

JOSE PEDRO

LUNINGNING

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PILIPINAS

RICO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with