^

True Confessions

Ang kasalanan namin ni Luningning (1)

- Ronnie M. Halos -

“KAPAG hindi pa ako umuwi sa Pinas, ma­hahalata na itong tiyan ko. Mas lalong problema, Rico. Baka maku­long ako rito, kahiya-hiya.”

“Paano ang sasa­bi­hin mo kay Gina pag na­­­lamang buntis ka?”

“Sasabihin ko, na­buntis ako ng boyfriend ko rito. Iniwan at hindi na nagpakita.”

“Maniwala kaya si Gina. Nagpakatandang dalaga ka tapos mag­pa­­pabuntis lang?”

“Siguro mauunawan ako.”

“Ang inaalala ko baka mamatay si Gina kapag nalaman ang na­gawa na­ting kasalanan.”

“Nangyari na ito kaya puwede ba, huwag na nating pag-usapan pa yun. Hindi na naman ma­iba­balik ang nangyari na. Umuumbok na ito.”

“Gulung-gulo kasi ang isip ko.”

“Basta ganyan ang plano ko Rico. Uuwi ako para maipanganak itong nasa tiyan ko. Kapag pu­wede na akong mag-Saudi uli, balik ako rito.”

“Sinong mag-aalaga ng bata?”

“Madali na ‘yun. Bas­ta ang mahalaga, hindi ako abutan dito sa Ri­yadh ng paglobo nito.”

“Ibig mong sabihin dito ka uli sa Riyadh mag-aaplay at magsa-sa­ma uli tayo.”

“Kung may makikita ako sa ibang lugar, e di doon kung wala, dito uli.”

“E di tuloy din ang relasyon natin?”

“Bakit ba parang ako na lamang ang lumala­bas na masama, Rico? Sa tono ng salita mo pa­rang ako lamang ang may kasalanan.”

“Hindi sa ganoon. Kasi kung dito ka uli mag-aaplay siyempre, mag-aano uli tayo.”

“Kung ayaw mo e ’di hindi!”

Natuloy ang balak na pag-uwi sa Pinas ni Luningning. Dala­wang buwan na ang nasa tiyan. Inihatid ko sa air­port. Malamig ang pa­alaman namin.

Si Luningning ay aking hipag.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

BAKIT

DALA

GINA

GULUNG

RICO

SHY

SI LUNINGNING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with