^

True Confessions

Ninong (78)

- Ronnie M. Halos -

“SAAN po tayo, Sir?” tanong ng taxi driver nang nakaupo na ako sa hulihan.

“Sa Dimasalang.”

Pinasibad nito ang taxi. Dineretso namin ang Bustillos hanggang sa kumaliwa at dume­ retso muli. Ang nilaba­san namin ay ang kalsa­dang tumutumbok sa UST. Hindi ko alam ang mga street na aming dinaanan. At wala rin akong interes na mala­man pa. Ang nasa isip ko ng mga sandaling iyon ay si Diana. Sana naman ay nasa apartment siya sa Miguelin para kami magkausap. Baka hindi siya maka­alis sa Miguelin dahil nando­on ang kanyang mga bi­ye­nan. Sana nga ay ga­no­on. Ayaw kong isipin na niloko niya ako.

“Dimasalang na po ito Sir,” sabi ng taxi driver   na ikinagulat ko. Parang nagkaroon ng improvement sa Dimasalang dahil sementado na ang kalye. Noong una akong magtu­ ngo rito ay sira-sira ang kalsada.

“Sige doon pa. Yung malapit sa may tulay, sabi ko sa driver. Natatan­da­an ko pa ang Dimasalang.

Nakarating kami sa tulay.

Ikanan mo diyan ta­ pos ay kumanan ka uli sa Miguelin. Ginawa iyon ng driver. Nakapasok kami sa makipot na Miguelin.

“Sige usad pa at itu­turo ko sa’yo kung saan ka tititigil…”

Usad uli. Dahan-da­han lang ang driver. Pina­alala ko na baka hindi ko makita ang number ng bahay dahil madilim.

“Itigil mo sa tapat na apartment na iyon,” sabi ko.

Ginawa ng drayber. Dumukot ako ng pera    sa pitaka.

“Magkano ba ang nasa metro?”

“Isandaan po, Sir.”

Kumuha ako sa pita­ka ng P120 at iniabot sa driver. Tuwang-tuwa ang drayber.

Bumaba na ako. Bu­maba rin ang drayber at kinuha sa compartment ang aking maleta.

Pagkababa ng maleta ay iniabot ko ang pera.

“Salamat Sir.”

Umalis na ang driver.

May tao sa bahay. Bu­hay ang ilaw. At bumilis ang tibok ng puso ko. Baka narito nga si Dia-na. Siguro ay hindi ma­kaalis. Baka narito ang mga biyenan.

Kumatok ako sa gate. Maya-maya lamang ay may sumilip sa screen door. Babae.

“Ano po yun?” ta­nong ng sumilip.

“Nandiyan po ba si Diana?” Hindi sumagot ang babae.

“Si Diana po nan­di­yan?” Bumukas ang screen door at lumabas ang ba­ bae na siguro ay maid.

“Ano po ang kaila­ngan?” “Kaibigan ako ni Diana, nandiyan ba siya?” Napamaang ang babae. Tila hindi mala­man ang isasagot sa akin. Nakara­ramdam na ako ng ginaw.

“Wala pong nakati­ rang Diana rito.”

“Dito siya nakatira. Kaibigan niya ako.”

“Wala nga pong Dia­na rito. Itatanong ko sa aking Kuya. Saglit la­mang po.”

Bumalik sa loob ang babae. At maya-maya ay lumabas kasama ang isang lalaki.

“Diana po ba ang hi­ na­hanap mo?” sabi ng lalaking tinawag ng maid.

“Oo.”

“Sori, wala talagang Diana rito.”

Tila nauupos akong kandila sa mga sanda­ ling iyon. (Itutuloy)

AKO

ANO

DIANA

DIMASALANG

DRIVER

GINAWA

MIGUELIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with