^

True Confessions

Ninong (ika-71 na labas)

- Ronnie M. Halos -

“MASYADO kang sexy at maganda para ma­ ging DH, Diana. Sa­yang ka lang kapag ang natapatan mong amo e manyakis,” sabi ko pa kay Diana para huwag na niyang gus­tuhin pang mag-Saudi.

“Tinatakot mo lang yata ako, Ninong.”

“Hindi kita tinatakot. Marami nang naga- ha­sang DH dito. Yung iba e sa disyerto pa dina­dala at saka gina-gang­rape. Karami­han nang gumagawa e mga teen­ager. Mga ta­ran­tado ang teenage dito baka akala mo.”

“E totoo bang mahi­ lig at puwit daw gus­tong anuhin ang mga babae riyan?”

Nagtawa ako.

“Oo totoo iyon. Ka­ya huwag ka nang mag­balak mag-DH at baka sa ano ka maano?”

Napahalakhak si Diana.

“E di type…”

“Gusto mo ng ga­ noon?”

“Kung me perang kapalit bakit hindi…”

“Loka ka talaga ano?”

“Masakit siguro yun ano, Ninong.”

“Siguro.”

“Ay ayaw ko na nga at baka kung ano lang ang mangyari sa ano ko.”

“Ganyan nga. Kali­ mu­tan mo na ang balak mag-DH dahil baka ma­sama lamang ang ka­hantungan mo. Hindi ka bagay dito.”

“Naiinip kasi ako rito sa bahay dahil wala akong kasama.”

“Ang mga biyenan mo akala ko nandiyan sabi mo.”

“Pinalayas ko na!”

“Owww?”

“Oo. Sabi ko wala na akong maipapakain sa kanila. Sabi ko rin aalis na ako sa bahay na ito.”

“Nasabi mo ‘yun?”

“Bakit hindi e wala na naman kaming re­lasyon dahil patay na    si Jigo.”

“Hindi nagalit?”

“Hindi.”

“O e di puwede na akong umuwi para ta­yong dalawa na ang mag­sama. Wala nang halaga kahit na hindi   pa nagbababang luksa.”

“O e marami ka nang maiuwing pera?”

“Malaki nga ang se­ paration pay ko, Diana.”

“Sa akin ka ba talaga uuwi o sa pamilya mo?”

“Siyempre sa’yo.”

“Sige umuwi ka na. Pero huwag mong kali­limutan ang pangako mo sa akin ha, Ni­nong?”

Ang pangako kong pera ang sinasabi ni Diana.

Nakasubo na ako. At isa pa, talagang atat na atat na ako kay Diana. Baliw na baliw na ako sa alindog niya.

Ikinasa ko na ang pagtapos sa aking kon­ trata. Bahala na. Kailangang makauwi na para masolo si Lady Diana.Talagang hindi ko na kayang magtagal pa ng isang taon dito sa Riyadh.

(Itutuloy)

AKO

DIANA

LADY DIANA

NINONG

OO

SABI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with