^

True Confessions

Ninong (13)

- Ronnie M. Halos -

“SAAN ko ba makikita si Diana?”

“Nagtatrabaho siya ngayon sa Ayala, Ni­ nong. Sa office mo na lang siya puntahan.”

“Sige ilagay mo sa ibabaw ng sobre ang address ng office niya at pati phone number. Tata­wagan ko muna siya bago ako magpunta sa Makati.”

Ganon ang ginawa ni Jigo.

Si Jigo lamang ang naghatid sa akin sa airport. Hindi naman kataka-taka iyon dahil marami kaming “kalaban” ni Jigo.  Mula nang makaaway ko ang nag-bully kay Jigo ay marami nang lumayo sa akin. Ang iba ay umiiwas sa akin ka-pag nakakasa­lubong ko sa corridor.

“Mag-ingat ka sa mga kalaban, Jigo.”

“Oo Ninong.”

“Ano pang sasabihin ko kay Diana?”

“Wala na Ninong.”

“Sasabihin ko bang magkasama tayo sa kama rito?”

Nagtawa lamang si   Jigo.

“Paano kung madulas ang dila ko, Jigo at masabi ko ang lihim natin kay Diana.”

“Hindi maniniwala ‘yun Ninong.”

“Talagang sigurado ka na ikaw lang ang mahal ni Diana?”

“Oo, Ninong sigurado ako. Matapat na babae si Diana.

Naghiwalay na kami ni Jigo nang pumasok na ako sa Immigration. Isang oras pa at nakasakay na ako sa eroplano patu­ ngong Pilipinas.

Deretso na ako sa os­pital na kinaroroonan ng aking asawa. Gusto ko nang malaman ang kan­ yang kalagayan. (Itutuloy)

JIGO

NINONG

OO NINONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with