Ate Flora (86)
“GOOD morning sa inyong dalawa,” bati ni Mang
“Good morning po,” sagot naman ni Ate Flora na nasa likuran ko. Ako ang nagbukas ng pinto. Naki-good morning din ako.
“Pasok po kayo,” anyaya ko. Itinulak ko ang pinto.
“Salamat, Ara,” sabi ni Mang Leon at pumasok na ang dalawa.
Nang makapasok ay agad na ipinakilala ni Mang
“Flora, Ara, ipinakikilala ko sa inyong dalawa ang aking anak na si Van,” sabi ni Mang
“Kumusta, Van?” sabi ni Ate.
“Mabuti, Flora.”
“Ang guwapo mo pala, Van” sabi ko naman.
Nagtawa si Van sa sina bi ko. Parang nahihiya.
“Hindi naman ako gu-wapo, Ara. Kayong magkapatid nga ang napakagaganda e.”
“Ako alam kong maganda ako. Ewan ko lang si Ate,” sabi kong nagtatawa.
“Maganda rin ang ate mo,” maagap si Van.
“Uuyyy, baka kung ano na ‘yan,” sabi ko naman.
Napuno ng tawanan ang aming salas. Si Mang
Habang nagtitimpla ako ng juice ay inuulinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Matalas na matalas ang aking taynga sa pakikinig. Ganito siguro ang isang magiging journalist someday — matalas ang paki ramdam at pandinig.
Ganito ang usapan ng dalawa:
“Kumusta ang trabaho mo Flora? Nasabi ni Daddy, mataas na raw ang posisyon mo sa Accounting firm.”
“Okey naman ang trabaho ko, Van. Kapo-promote ko lang last week.”
“Wow. Congrats.”
“Salamat.”
“Marami nang naiku wento sa akin si Daddy ukol sa inyong magkapatid.”
“Marami na ring naikuwento si Mang
“Siyempre sasabihin ni Daddy yon dahil anak ako, ha-ha-ha.”
“Bakit hindi ka ba mabait, Van?”
“Medyo mabait. ”
“Mabiro ka pala.”
“Kaunti.”
“Siguro marami kang naiwang girlfriend sa Sydney.”
“Wala. Di ba nasabi sa’yo ni Daddy na wala pa akong girlfriend.”
“Nasabi nga pero siyem pre sasabihin ba niyang marami kang gf. Siyempre hindi di ba?”
“Gumaganti ka ha?”
Nagtawa si Ate. Nagtawanan sila.
Patuloy ako sa pakikinig. Inihahanda ko ang egg sandwich.
Nang magsalita si Van ay parang tumigil ang ikot ng daigdig.
“Kung magtapat ako ng pag-ibig sa iyo ngayon, Flora ano ang iisipin mo?”
Sumilip ako sa kurtina. Tiningnan ko ang eks-presyon ng mukha niya.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending