NANG sumunod na school year ay pumasok ako sa isang public high school na malapit sa aming tirahan — sa Ra mon Magsaysay. Nilalakad ko lamang iyon.
“Pagbutihan mo ang pag-aaral Ara at nang makakuha ka ng scholarship. Di ba nagkaka roon ka ng honor noong nasa elementary ka?” tanong ni Ate Flora.
“Oo. Salutatorian ako noong Grade six di ba. Ikaw pa nga ang nagsa-bit ng medalya ko dahil wala si Mama. Kasalukuyang nahuhumaling sa kabit niya…”
“Ay oo nga pala.”
“Pagbubutihan ko talaga Ate para hindi ka na gaanong mahirapan sa pagpaaral sa akin sa kolehiyo.”
“Basta laging nasa sistema ang gagawin natin para makamit natin ang pangarap. Makakaya natin ito Ara.”
“E ikaw Ate di ba da-pat mag-enrol ka na rin sa kolehiyo?”
“Sa second semester na ako mag-eenrol Ara. Kailangang makaipon ako ng pang-tuition. Malaki rin kasi ang kailangan ko.”
“Ano bang course ang kukunin mo Ate?”
“Commerce major in Accounting.”
“Kayang-kaya mo yan Ate.”
“Oo kaya ko pero wala nga tayong pera para makaenrol.”
“Kung sana’y buhay si Tito Noel ano?”
“Oo nga. Sayang at kung kailan niya nakita ang pagmamalasakit na-tin e saka naman nangyari ang trahedya sa kanya sa barko.”
“Sa palagay mo buhay pa siya, Ate?”
“Palagay ko, patay na. Kasi di ba grabe ang pagkasunog ng oil tanker. Hindi nga makita ang mga crew.”
“Sino kaya ang tatanggap ng insurance niya mula sa kompanya ng barko?”
“Tiyak yung asawa niyang taksil ang kukuha nun dahil siya ang beneficiary. Bahala na nga sila sa buhay nila. Wala na ta yong pakialam sa kanila.”
Nadako uli sa pag-aaral ni Ate ng Commerce ang usapan namin.
“Kapag nakatapos ka ng Accounting Ate e di madali kang makakakuha nang magandang trabaho?”
“Depende. Kung nasa top ten ka sa board exam tiyak pag-aagawan ka ng mga accounting firm.”
“Dapat talaga makapag-enrol ka ngayong pa sukan Ate para sabay tayong ga-graduate. Ako sa high school at ikaw college.”
“Gusto ko nga sana kaya lang pera ang pro blema, Ara.”
Naisip ko si Aling Cely. Mula nang umalis si Aling Cely ay nakadalawang sulat na siya sa amin. Maayos naman daw ang kalagayan niya sa Milan, Italy. Mababait naman daw ang kanyang mga amo roon.
“Ate gusto mong sulatan ko si Aling Cely at humingi tayo ng tulong. Sasabihin ko kailangan natin ng pera para maka-pag-enrol ka.”
Nag-isip si Ate. Tinim bang-timbang ang lahat.
“Huwag Ara. Kararating lang niya sa Italy at baka mabigyan natin siya ng pro blema. Nakakahiya na. Malaki na ang naitulong niya sa atin. Huwag na muna natin siyang aba lahin. Bahala na kung kailan ako makapasok sa kolehiyo.”
Hindi ko akalain na nasa paligid lamang pala ang makatutulong sa amin para makapag-aral sa kolehiyo si Ate Flora. Walang iba kundi si Mang Leon.
Hindi sinasadyang nagtungo si Mang Leon sa bahay para ibigay ang dup licate ng susi. Ipinaduplicate niya ang susi ng main door at pati susi ng gate. Pinaglagyan niya ng kandado ang gate para raw safe lalo na sa gabi. Kailangan daw ay may sari-sarili kaming susi.
Napag-usapan namin ang tungkol sa pag-aaral. Nalaman niyang ako ay magpi-first year high na sa Magsaysay sa pasukan.
“Mahuhusay ang mga estudyante diyan sa Magsaysay España,” sabi ni Mang Leon. “’Yung isang anak kong lalaki e diyan nag-graduate ng high school.”
“Talaga po, Mang Leon?”
“Oo. Nakatapos siya sa UP. Nasa ibang bansa na siya ngayon.”
Nadako ang usapan namin kay Ate Flora at nabanggit ko ang proble ma sa pag-eenrol nito sa college.
“Sige tutulungan ko siya. Sayang naman kung hindi siya makaka-enrol ngayon. Lilipas ang panahon…”
Gusto kong yakapin si Mang Leon. Solb ang problema ni Ate. (Itutuloy)