^

True Confessions

Ate Flora (78)

- Ronnie M. Halos -

NANG sumunod na school year ay pumasok ako sa isang public high school na malapit sa aming tirahan — sa Ra­ mon Magsaysay. Nilala­kad ko lamang iyon.

“Pagbutihan mo ang pag-aaral Ara at nang makakuha ka ng scholarship. Di ba nagkaka­ roon ka ng honor noong nasa elementary ka?” tanong ni Ate Flora.

“Oo. Salutatorian ako noong Grade six di ba.   Ikaw pa nga ang nagsa-bit ng me­dalya ko dahil wala si Mama. Kasalu­kuyang nahuhumaling sa kabit niya…”

“Ay oo nga pala.”

“Pagbubutihan ko talaga Ate para hindi ka na gaanong mahirapan sa pagpaaral sa akin sa kolehiyo.”

“Basta laging nasa sistema ang gagawin natin para makamit natin ang pangarap. Makakaya natin ito Ara.”

“E ikaw Ate di ba da-pat mag-enrol ka na rin    sa kolehiyo?”

“Sa second semester na ako mag-eenrol Ara. Kailangang makaipon ako ng pang-tuition. Malaki rin kasi ang kailangan ko.”

“Ano bang course ang kukunin mo Ate?”

“Commerce major in Accounting.”

“Kayang-kaya mo yan Ate.”

“Oo kaya ko pero wala nga tayong pera para ma­kaenrol.”

“Kung sana’y buhay    si Tito Noel ano?”

“Oo nga. Sayang at kung kailan niya nakita ang pagmamalasakit na-tin e saka naman nang­yari ang trahedya sa kan­ya sa barko.”

“Sa palagay mo buhay pa siya, Ate?”

“Palagay ko, patay na. Kasi di ba grabe ang pag­kasunog ng oil tanker. Hindi nga makita ang mga crew.”

“Sino kaya ang tatang­gap ng insurance niya mula sa kompanya ng barko?”

“Tiyak yung asawa niyang taksil ang kukuha nun dahil siya ang beneficiary. Bahala na nga sila sa buhay nila. Wala na ta­ yong pakialam sa kanila.”

Nadako uli sa pag-aaral ni Ate ng Commerce ang usapan namin.

“Kapag nakatapos ka ng Accounting Ate e di  ma­dali kang makakakuha nang magandang trabaho?”

“Depende. Kung nasa top ten ka sa board exam tiyak pag-aagawan ka ng mga accounting firm.”

“Dapat talaga maka­pag-enrol ka ngayong pa­ sukan Ate para sabay ta­yong ga-graduate. Ako sa high school at ikaw  college.”

“Gusto ko nga sana kaya lang pera ang pro­ blema, Ara.”

Naisip ko si Aling Cely. Mula nang umalis si Aling Cely ay nakadalawang sulat na siya sa amin. Ma­ayos naman daw ang ka­la­gayan niya sa Milan, Italy. Mababait naman daw ang kanyang mga amo roon.

“Ate gusto mong sula­tan ko si Aling Cely at hu­mingi tayo ng tulong. Sasabihin ko kailangan natin ng pera para maka-pag-enrol ka.”

Nag-isip si Ate. Tinim­ bang-timbang ang lahat.

“Huwag Ara. Kara­ra­ting lang niya sa Italy at baka mabigyan natin siya ng pro­ blema. Nakakahiya na. Malaki na ang naitu­long niya sa atin. Huwag na muna natin siyang aba­ lahin. Bahala na kung kai­lan ako makapasok sa ko­lehiyo.”

Hindi ko akalain na nasa paligid lamang pala ang makatutulong sa amin para makapag-aral sa ko­lehiyo si Ate Flora. Wa­lang iba kundi si Mang Leon.

Hindi sinasadyang nag­tungo si Mang Leon sa bahay para ibigay ang dup­ licate ng susi. Ipina­duplicate niya ang susi ng main door at pati susi ng gate. Pinaglagyan niya ng kandado ang gate para raw safe lalo na sa gabi. Kailangan daw ay may sari-sarili kaming susi.

Napag-usapan namin ang  tungkol sa pag-aaral. Nalaman niyang ako ay magpi-first year high na sa Magsaysay  sa pasukan.

“Mahuhusay ang mga estudyante diyan sa Mag­saysay España,” sabi ni Mang Leon. “’Yung isang anak kong lalaki e diyan  nag-gra­duate ng high school.”

“Talaga po, Mang Leon?”

“Oo. Nakatapos siya sa UP. Nasa ibang bansa na siya ngayon.”

Nadako ang usapan namin kay Ate Flora at nabanggit ko ang proble­ ma sa pag-eenrol nito sa college.

“Sige tutulungan ko siya. Sayang naman kung hindi siya makaka-enrol ngayon. Lilipas ang panahon…”

Gusto kong yakapin  si Mang Leon. Solb ang problema ni Ate. (Itutuloy)

ALING CELY

ATE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with