“NANDIYAN ba Ineng si Cely?” tanong ng matandang lalaki.
“Wala po. Nasa agency po siya.”
“A, sige. Babalik na lang ako.”
“Ano po ang inyong pa ngalan?”
“Mang Leon.”
“Sige po at sasabihin ko.”
Umalis na ang matanda.
Nang dumating kinagabihan sina Ate Flora at Aling Cely ay may dalang magandang balita. Natanggap si Ate sa agency na magpa- paalis kay Aling Cely. Clerk doon. Nakita ko sa mukha ni Ate ang hindi mailara-wang kasiyahan. Sa wakas ay magkakatrabaho na siya.
“Ang problema na lamang ay ang tirahan,” sabi ni Aling Cely. “Sana ay mapakiusapan ko ang may-ari ng bahay na ito na kayong magkapatid na ang tumira rito.”
“Sana nga po, Aling Cely,” sabi ni Ate Flora.
“Mabait naman ang may-ari nito eh yon nga lang baka mayroon siyang ibang patitirahin.”
Saka ko naalala ang ma-tandang lalaking nagpunta kanina.
“Aling Cely me nagpunta po ritong matandang lalaki na ang pangalan ay Leon…” sabi ko.
“A si Mang Leon. Yon ang may-ari ng bahay na ito. Ano ang sabi?”
“Wala naman po. Basta hinahanap ka lang.”
“Ano kayang kailangan sa akin. Baka kaya paaalisin na ako at mayroon nang titira. Kasi, alam niya na malapit na akong umalis.”
“Sana naman ay kami na ang makatira sa bahay na ito,” sabi ni Ate Flora at napabun-tung-hininga.
“Kaya lang Ate, kaya ba nating bayaran ang renta ng bahay na ito?” “Siguro naman ay makakaya ko. Basta magsisikap lang tayo,” sabi ni Ate.
“Tama ang sinabi mo, Flora,” sabi ni Aling Cely. “Sikap lang at samahan ng dasal.”
Pinuntahan ni Aling Cely si Mang Leon sa third floor para malaman ang dahilan kung bakit pinuntahan kanina.
Makaraan ang may kalahating oras ay bumalik si Aling Cely at masaya ito.
“Mayroon lang palang itatanong sa akin si Leon. Ay naku, kung anu-anong ikinuwento sa akin. Pagdating ko raw sa Italy ay sulatan agad siya. Mami-miss daw niya ako…”
“Nanliligaw ba sa iyo Aling Cely?”
“Hindi ko alam.”
“Sagutin mo na po para pag pinakiusapan mo na kami na ang titira rito e pumayag agad…”
“Aba e sinabi ko nga ang tungkol diyan kanina at payag nga siya…”
“Totoo po, Aling Cely?”
“Oo. Kaya nga masayang-masaya ako. Pag-alis ko sa isang linggo, kayong mag-kapatid na ang titira rito.”
Hindi kami makapaniwala ni Ate. Parang nananaginip lamang kami.
(Itutuloy)