Ate Flora (69)

KINABUKASAN, guma­wa ng sulat si   Ate Flora para kay Tito Noel. Iki­nu­wento ni­yang lahat  sa sulat ang mga na­ranasan namin kay Tita Ra­quel at sa mga anak nito. Isinulat nang wa­lang paliguy-ligoy ang kataksilang gi­na­gawa ng asawa.

Sa dakong huli­han ng sulat ay ini­lagay ni Ate na ki­nup­­kop kami ng ibang tao. Hindi na nilagay ni Ate ang address na aming kinaro­roonan.

“Huwag mo ngang ilala­gay ang address   at baka hanapin kayo. Ma-lay ba natin kung ang kampi­ han pa rin ng tito n’yo ay ang kan­yang asa­wa. Ma­raming gan­yang pangya­yari.”

“Kung ganoon po ang gagawin niya ay bahala na siya, Aling Cely. Basta ang amin ay naipaalam namin sa kanya ang ka­tak­silan ng kanyang asawa.”

“Tama ka. Flora. Sige isobre mo na ‘yan at ako ang maghu­hu­log. Dada­ an ako sa Central Post Office bago ako tumuloy sa agency ko sa Malate.”

Isinobre ni Ate ang sulat at saka ang Xe-rox ng ebidensiya.

“Mga isang linggo lang siguro at tanggap na ‘yan ng tito n’yo.”

“Sana ay marunong akong mag-internet ano, Aling Cely para mas mabilis…”

“Oo nga. Pero okey na ‘yang sulat dahil may ebidensiya.”

“Sa palagay n’yo may iniisip kayang pa­raan si Tita Raquel para hindi ma­niwala si Tito Noel sa isinulat ko.”

“Hula ko, tinawagan na ni Raquel si  Tito Noel n’yo. At siguro ay kung anu-anong kuwento ang sinabi niya. Siyempre, ililigtas niya ang sarili. Pero, maaari bang mag­si­nu­ngaling ang ebiden­siya?”

May katwiran si Aling Cely.

Maski ako ay gano­on din ang hula. Baka kaha­pon na umalis kami sa bahay ay agad na ti­na­wagan ni Tita Ra­quel si Tito Noel   at nag­lubid na ng bu­hangin. Pinalabas na nagnakaw kami ni Ate at saka luma­yas. Sigura­dong galit na galit si Tito Noel sa amin. (Itutuloy)

Show comments