Ate Flora (Ika-68 Labas)

“NASA drug rehabilitation ang mama n’yo,” pagku­ku­wento ni Aling Cely. “Siguro mga isang taon na siya roon. Grabe na ang pag­kalulong sa droga na halos masiraan na ng bait.”

Nalungkot ako. Si Ate ay kalmado lang.

“Ang kabit po niya nasaan na?”

“Biglang nawala. Ta­pos mga isang buwan bago dalhin ang mama n’yo sa rehab me natag­puang patay na lalaki sa may ilog. Sabi iyon daw ang kinakasama ng ma­ma n’yo. Sinalvage raw…”

“Kung sinalvage ang manyakis na iyon, nakaganti na ako,” sabi ni Ate Flora.

“E kayo naman ano ang nangyari sa buhay n’yo? At bakit nga ba nasa bus terminal kayo ha?”

Ikinuwento ni Ate Flora ang mga nangyari sa amin sa piling ni Tita Raquel. Hilakbot si Aling Cely nang malaman ang lahat. Pati ang balak namin na pagpapa­dala ng sulat ng kataksilan kay Tito Noel ay sinabi ni Ate.

“Mabuti ngang ipadala mo ang sulat. Nanggigigil ako sa Tita Raquel mo!”

“Bukas nga po, Aling Cely ay ipadadala ko kay Tito Noel ang sulat. Para malaman na niya ang lahat.”

“Nakakaawa naman ang tiyuhin mo na nagpapaka­hirap sa barko e winawaldas naman pala ng asawa niya sa ibang lalaki.”

“Sobra na po ang kasamaan ni Tita Raquel, Aling Cely. Yung pang-aapi niya sa amin ay matatang­gap pa pero ang mga gina­gawa niya kay Tito Noel na sa mismong silid pa sila gumagawa ng kataksilan ay sobra na.”

“Sige, ipadala mo ang sulat. Bibigyan kita ng pambili ng selyo.”

“Salamat po Aling Cely.”

“Dito muna kayo sa akin habang hindi pa ako uma­alis. Saka na natin pag-usapan ang mga susunod pa tutal baka naman mga two weeks o mahigit pa bago ako makaalis.”

“Salamat po, Aling Cely.”

“Mas maganda sana kung makakuha ka ng trabaho, Flora para mai­ayos ang buhay n’yo. Hayaan mo at baka matu­lungan kita bago ako umalis.”

Nang gabing iyon ay mahimbing na mahimbing ang tulog ko at maging si Ate Flora. Para bang na­ka­kita kami ng anghel de la guwardiya sa kata­uhan ni Aling Cely.

(Itutuloy)

Show comments