HINDI pa kami nalilimutan ni Aling Cely. Siguro nga, mahirap makalimutan ang mga katulad naming pinagtampuhan ng tadhana. “Kumusta kayo, Flora, Ara?”
“Hindi po masyadong okey, Aling Cely,” sagot ni Ate.
Napangiti si Aling Cely.
Tinulungan ko si yang hilahin ang malaking maleta. May gulong ang maleta kaya magaang hilahin.
“Bakit kayo narito sa terminal, Flora?”
“Mahabang ku wento po, Aling Cely. At nagpapasalamat nga po kami na dito kami nagpunta.”
“Aba mukhang mahabang kuwento nga. Ang mabuti siguro ay sumama na kayo sa akin….”
Lalong nagkaroon ng liwanag ang bukas namin sa sinabing iyon ni Aling Cely.
“Meron akong tinitirhang maliit na kuwarto sa Sampa loc. Sumama kayo sa akin at doon tayo magkuwentuhan nang todo. Marami rin akong ikukuwento sa inyo — tungkol sa mama ninyo.”
Napansin kong nama-sa-masa ang mga mata ni Ate nang marinig ang pangalan ni Mama.
“E bakit po may dala kayong maleta, Aling Cely?” tanong ko.
“Patungo akong Italy… doon ako maghahanapbuhay.”
Tumawag ng taxi si Aling Cely. Isang taxi ang agad tumigil sa harapan namin.
Bumaba ang driver at ikinarga sa trunk ang maleta.
Kaming tatlo ay sa hulihan naupo.
“Kaya pala kanina habang nasa bus ako ay kung bakit bigla ko ka yong naisip na magkapatid,” sabi ni Aling Cely.
“Para pong ganyan din ang aking naiisip kanina, Aling Cely,” sabi naman ni Ate. “Kutob ko po kanina ay mayroong tao na tutulong sa aming magkapatid,”
Saka biglang nalungkot si Aling Cely.
“Ayaw kong manisi ng tao, Flora pero ang ma-ma mo ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung sana ay hindi na muli siyang nag-asawa, hindi sana ninyo aabutin ang hirap.”
“Masyado na pong hirap ang inabot namin, Aling Cely. Kung hindi nga lang po kami malakas ang loob, baka kung ano na ang nangyari sa aming magkapatid.”
“Nanghihinayang ako sa inyo. Alam mo kung ako ay magkakaasawa pa, gusto ko kayong ampunin.”
“Dalaga ka pa pala, Aling Cely.” “Oo. Matandang dalaga.”
“Sana ampunin mo na kami, Aling Cely.”
“Kung puwede nga lang…”
Mabilis ang aming biyahe. Nasa Quiapo na agad kami. Maya-maya’y nasa Laon Laan St. na. Dumaan sa riles ng tren. Kumanan sa Antipolo St. Tumawid ng tulay. Pagbaba ng tulay ay nakita namin ang hanay ng mga bahay.
“Itigil mo na diyan sa tabi,” sabi ni Aling Cely,
(Itutuloy)