^

True Confessions

Ate Flora (ika-63 na labas)

- Ronnie M. Halos -

PERO ang mabangis na si Michelle   ay may angking ta­pang sa kabila na bistado na ang gina­wang pagpapa-abort.

Biglang nilapitan si Ate Flora at saka sinampal. Natulig si Ate pero mabilis din itong nakaganti. Si­nampal din si Mi­chelle at dalawang beses pa. Tulig ito sa lakas.

Akma pang ga­ganti si Michelle  pero inawat na ni Tita Ra­quel. Ako naman ay hindi makakilos sa­pagkat nabigla rin sa pangyayari. Bilib ako kay Ate na naiganti  ang pagsampal sa kan­ya.

“Mommy palayasin mo na ang mga putang ‘yan!” malakas na sabi ni Michelle.

“Ikaw ang puta, Mi­chelle. Kriminal ka pa dahil pinatay mo ang sanggol sa tiyan mo,” pasigaw na sabi ni   Ate. At napansin kong may mga kapitbahay nang nag-uusyuso sa may gate. Yon yung mga kapitbahay na ayaw pakainin ni Tita Raquel noong magka­roon ng party.

At nagdagdag na­man iyon sa takot ni Tita Raquel sapagkat mabubulgar na ang kanyang panlalaki.

At hindi na nga ma­pigilan si Ate sa pag­sisiwalat ng baho ni  Tita Raquel.

“Alam mo ba Mi­chelle na nanlalalaki ang mommy mo? Kung hindi mo pa alam, sa­sabihin ko ang panga­lan ng lalaki. Ang pa­ngalan niya ay Johnny at sa master’s bedroom pa sila nagsi-sex. Nakita ni Ara ang lahat noong may party dito. Hinuhuthutan ng lalaki ang mommy mo.”

“Huwag kang mani­wala sa sinasabi ni Flora, Michelle!” maa­gap na sabi ni Tita Ra­quel na putlang-putla pa rin. “Gumagawa la­mang ‘yan ng ku­wen­to.”

“Gusto mong makita ang ebidensiya, Mi­chelle?” tanong ni Ate.

“Huwag kang mani­niwala, Michelle,” sabi ni Tita Raquel.

Tinawag naman  ako ni Ate at inutusang ilabas ang xerox ng sulat ng lalaki ni   Tita Raquel. Agad  kong kinuha sa back pack ang sulat.

“Eto ang ebiden­siya, Michelle. Matagal nang iniiputan ng mommy mo ang iyong daddy…”

Tinangkang agawin ni Tita Raquel ang xerox letter pero maliksi si Ate na naipasa iyon   sa akin at nailagay ko agad sa back pack.

Dahil sa pagkabigo na maagaw ang sulat ay sinampal ni Tita Raquel si Ate pero hindi tumama. Gu­manti si Ate at ubos lakas na sinampal si Tita Raquel. Tulig sa lakas.

“Bukas na bukas ay ipadadala ko ang letter na iyon kay  Tito Noel. Kailangang ma­basa niya ang sulat ng kataksilan…”

Iyon lang at tuma­likod na kami ni Ate at tuluyang umalis sa bahay na iyon.

(Itutuloy)

vuukle comment

ATE

MICHELLE

SHY

TITA RAQUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with