^

True Confessions

Ate  Flora (49)

- Ronnie M. Halos -

NAKALABAS ng ba­hay ang siyota ni Mi­chelle na si Jake. At sa aking palagay, wala nang balak bumalik para ha­rapin ang res­ ponsibi­lidad kay Mi­chelle. At palagay ko pa, tuwang-tuwa dahil nga naka­ligtas sa res­ponsibi­lidad. Pinalayas ni Tita Raquel e di lu­mayas nga. Huma­ha­lakhak ma­rahil habang naglal­a­­kad ang adik na si Jake. Nakatakas siya sa ipinagbubuntis ni   Mi­chelle.

Patuloy akong naki­ram­dam sa mag-inang Tita Raquel at Michelle. Malakas ang boses ni Tita Raquel at dinig na dinig ko ang kanilang usapan.

“Ang akala ko pa na­man ay matino ka, Mi­chelle iyon pala ay may ginagawa na kayong   ka­bulastugan ng pun-ye­tang Jake na iyon. Hayop na iyon, ang lakas ng loob mam­buntis e wala man lang yatang alam  na tra­baho.”

“Mommy ano ang  ga­gawin ko?”

“Letse ka!”

Umiyak si Michelle. Parang iyak nang na-ma­tayan.

“Sabi ko pa naman  sa daddy mo ang bait-bait mo at matataas ang grade mo. Iyon pala pa­kikipagkangkangan    ang inaatupag mo.”

Lalong lumakas ang iyak ni Michelle.

“At ang matindi pang ginawa mo e buntis ka. Diyos ko bakit nangyari ito?” sabi ni Tita Raquel na tila pa sinisisi ang Diyos. Hindi na nangimi na tanungin ang Diyos. Kung hindi ko pa alam  na nanlalalaki rin siya.

Natahimik ang ku­warto. Sa palagay ko     ay nag-iisip si Tita Ra-quel sa problema ni Michelle. Iniisip marahil kung paano sasabihin kay Tito Noel na buntis si Michelle.

Maya-maya pa ay na­rinig ko na uli ang  boses ni Tita Raquel at nagim­bal ako sa ga-ga­wing remedyo sa ipi­nag­bu­bun­tis ni Mi­chelle.

“May alam akong nag-aabort. Iyon na lang ang solusyon kay­sa naman malaman    ng daddy mo ba tisbun ka.” 

(Itutuloy)

vuukle comment

DIYOS

MICHELLE

SHY

TITA RAQUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with