^

True Confessions

Ate Flora (28)

- Ronnie M. Halos -

PASADO alas-sais na ng gabi dumating si Tita Ra­quel. Ang mga bisita na­man nina Marlon at Mi­chelle ay nagsialisan na rin. Naiwan sa salas ang maraming bote ng beer at ang upos ng sigarilyo ay nagkalat sa kalalampaso naming marmol.

“Bakit marumi pa rin ang sahig sa salas, Flora?” tanong ni Tita Raquel. “Di ba sabi ko, wala aking ma­kikitang mantsa roon?”

“Malinis po kanina ‘yon Tita kaso dumating ang mga kabarkada ni Marlon at nag-inuman sa salas.”

Tumaas ang kilay ni Tita Raquel pero saglit lang.

“Kung dinumihan nila dapat linisin n’yo agad? Punyeta talaga!”

“E naglalaba pa po kasi ako Tita kaya hindi namin agad malinis ang sahig.”

“Nasaan si Ara?”

“Naglilinis po siya ng toilet kanina at ngayon naman ay mga kaldero ang nililinis.”

“Puro kayo dahilan! E kung hindi ko kayo pakainin ngayong hapunan?”

Hindi na sumagot si Ate. Baka kapag sumagot siya e hindi nga kami pakainin. Sa halip ay  kinuha ang mga basahan na ginamit namin kanina at nilinis na muli ang mga iniwang dumi ng bar­kada ni Marlon.

Nang makita ko si Ate, iniwan ko ang ginagawa sa kusina at tinulungan siya. Sabi sa akin ni Ate, huwag na kaming sasagot kapag pinagagalitan ni Tita Ra­quel, Tanggap na lang ng tang­gap. Matatapos din naman ang pagpapahirap.

Isang araw na umalis si Tita Raquel ay maagang du­mating si Michelle mula sa school, kasama niya ang isang lalaking kasinggu-lang niya. Hula namin ni Ate Flora, boyfriend ni Michelle ang lalaki.

Boyfriend nga ni Mi­chelle sapagkat nahuli ko silang naghahalikan sa sa­ las. Ang matindi pa ay nang ipinapasok ng lalaki ang kamay sa loob ng palda ni Michelle. Kinabahan ako. Hindi nila nalalaman na nasa kabila lamang ako ng butas na partition ng sa­las at pinupunasan ang mga pigurin.

“Ano ba Jake, baka may makakita sa atin,” sabi ni Michelle.

“Sige na Michelle, hipo lang naman.”

Pumayag na si Mi­chelle. Ipinasok ng boyfriend ang kamay sa loob ng palda ni Michelle. Hin­di ko mating­nan ang gina­gawa pero na­tukso pa rin akong tingnan. (Itutuloy)

vuukle comment

MARLON

MICHELLE

SHY

TITA RA

TITA RAQUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with