NAKARATING kami sa terminal ng bus na biyaheng Maynila. Dumaing ako ng gutom kay Ate Flora. Paanong hindi ako gugutumin e pasado ala-una ng hapon.
“Gusto kong kumain, Ate.”
Nag-isip si Ate at saka sinalat-salat ang perang nakatago sa bul sa ng kanyang palda.
“Kapag bumili tayo ng pagkain, baka lalo tayong ma-short Ara. Puwede, kahit na turon ka na lang at saka palamig?”
“Oo Ate basta magkalaman lang ang tiyan ko.”
Binigyan ako ng P20 ni Ate. Bumili ako ng isang turon at palamig.
“Ikaw Ate hindi ka nagugutom?”
“Wala akong gana. Siguro ay dahil sa nangyari kanina.”
Nangangalahati na ako sa kinakain nang makita namin ni Ate ang isang babaing kaopisina ni Mama na naglalakad sa di-kalayuan ng terminal. Kilala namin ang babae dahil nagpunta ito noong na kaburol si Papa. Ang pangalan ng babae ay Cely.
“Habulin natin si Aling Cely, dali!”
Hinabol namin si Aling Cely na noon ay pa liko na sa isang eskinita.
“Aling Cely! Aling Cely!”
Tumigil ang babae at lumingon sa amin.
“Aling Cely, anak po kami ni Mercy na kaopisina mo.”
Lumapit kami kay Aling Cely.
“Kilala mo po kami, Aling Cely?”
“Oo naman. Ikaw si Flora at ikaw naman si Ara?”
“Opo.”
“O e saan ang punta n’yong magkapatid?”
“Sa Maynila po.”
“Maynila? Bakit”
“Kuwan po. Ano maglalayas po…”
“Halika nga kayo doon sa may tindahan at mainit dito. Naguguluhan ako.”
Nagpunta kami sa may tindahan at sumi-long. Ikinuwento ni Ate ang lahat. Hindi makapaniwala si Aling Cely.
“Alam n’yo marami nang nakakapuna sa ugali ng mama n’yo. Ang ugali niya ay parang sa isang drug user.”
“Ikaw na po ang bahalang magsabi sa kanya ng lahat, Aling Cely…”
“Sige. Mag-ingat na lamang kayo.”
Noon nagkaroon ng lakas si Ate na magsabi ng pandagdag sa pamasahe.
“Aling Cely puwede po kaming makautang ng pandag-dag sa aming pamasahe?”
“Ay oo. Teka…” dinukot ang pitaka sa bag at kumuha ng P500. “Pasensiya na kayong magkapatid at ito lamang maibi-bigay ko ha?”
“Malaking tulong na po ito Aling Cely.”
“Sige mag-ingat na lamang kayo. Ako na ang magsasabi sa inyong mama ng mga nangyari…kung may balak pa niya akong pakinggan.”
“Salamat po.”
(Itutuloy)