^

True Confessions

Ate Flora (17)

- Ronnie M. Halos -

NAKARATING kami sa terminal ng bus na biyaheng Maynila. Dumaing ako ng gu­tom kay Ate Flora. Paanong hindi ako gugutumin e pasado ala-una ng hapon.

“Gusto kong ku­main, Ate.”

Nag-isip si Ate at saka sinalat-salat ang perang nakatago sa bul­ sa ng kanyang palda.

“Kapag bumili tayo ng pagkain, baka   lalo tayong ma-short   Ara. Puwede, kahit na turon ka na lang at saka pa­lamig?”

“Oo Ate basta  mag­kalaman lang ang ti­yan ko.”

Binigyan ako ng P20 ni Ate. Bumili ako ng isang turon at pa­lamig.

“Ikaw Ate hindi ka nagugutom?”

“Wala akong gana. Siguro ay dahil sa nang­yari kanina.”

Nangangalahati na ako sa kinakain nang makita namin ni Ate ang isang babaing kaopi­sina ni Mama na nagla­lakad sa di-kalayuan  ng terminal. Kilala na­min ang babae dahil nag­punta ito noong na­ ka­burol si Papa. Ang   pa­ngalan ng babae ay Cely.

“Habulin natin si Aling Cely, dali!”

Hinabol namin si Aling Cely na noon ay pa­ liko na sa isang eski­nita.

“Aling Cely! Aling Cely!”

Tumigil ang babae at lumingon sa amin.

“Aling Cely, anak po kami ni Mercy na ka­opisina mo.”

Lumapit kami kay Aling Cely.

“Kilala mo po kami, Aling Cely?”

“Oo naman. Ikaw si Flora at ikaw naman     si Ara?”

“Opo.”

“O e saan ang punta n’yong magkapatid?”

“Sa Maynila po.”

“Maynila? Bakit”

“Kuwan po. Ano mag­lalayas po…”

“Halika nga kayo doon sa may tindahan at mainit dito. Nagugu­luhan ako.”

Nagpunta kami sa may tindahan at sumi-l­ong. Ikinuwento ni Ate ang lahat. Hindi maka­pa­niwala si Aling Cely.

“Alam n’yo marami nang nakakapuna sa ugali ng mama n’yo.  Ang ugali niya ay parang sa isang drug user.”

“Ikaw na po ang   ba­halang magsabi sa kan­ya ng lahat, Aling Cely…”

“Sige. Mag-ingat na lamang kayo.”

Noon nagkaroon ng lakas si Ate na mag­sabi ng pandagdag sa pa­masahe.

“Aling Cely pu­we­de po kaming ma­kautang ng pandag-dag sa aming pa­ma­sahe?”

“Ay oo. Teka…” di­nukot ang pitaka sa bag at kumuha ng P500. “Pasensiya na kayong magkapatid at  ito lamang maibi-bi­gay ko ha?”

“Malaking tulong na po ito Aling Cely.”

“Sige mag-ingat na lamang kayo. Ako na ang magsasabi   sa inyong mama ng mga nangyari…kung may balak pa niya akong pakinggan.”

“Salamat po.”

(Itutuloy)

ALING CELY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with