Ulag (ika-7 na labas)

(Kasaysayan ni L.B.G.)

GRABE yung si Tanda, Bro. Mahigit nang 50 pero mahilig pa. Gusto e iba’t ibang posisyon…”

Patuloy sa pag­kukuwento si Sam at naaaliw ako.

“Paano kayo nag­karelasyon?”

“Gusto mo nang X-rated ha?”

Nagtawa ako.

“Ikuwento mo, Sam.”

“Ganito yun Bro. Nagpunta ako sa RKH para magpati­ngin ng blood pres­sure. Puwede naman tayo dahil under ng go­vernment ang kom­pan­ ya natin. Siyempre, nakapostura ako nun. Huwebes noon. Bale ang pagpunta ko roon e dalawang bagay, para magpa-blood pres­sure at mang-hunting na rin ng p…i”

Nagtawa ako. Loko talaga si Sam.

“E marami palang Pinay nurse sa RKH. Una kong nakita yan si Tanda. Seksi pa na­man kahit na nga ma­higit pang 50. At me itsura rin naman ang mukha. Pu­wede nang pagtiya­gaan. Sa kanya ako nag­tanong kung maaari ba akong magpa-BP.

“Sagot niya’y puwe­de. Tinanong kung saan akong kompanya connected. Sinabi ko. Puwede raw. E di ga­noon na nga, inalam niya ang BP. 120 over 80. Normal daw iyon. Huwag daw akong ma­takot at hindi ako high blood.

“Tinanong ko kung ano ang pangalan niya, Mita raw. Ako naman ang tinanong kung ano ang pangalan ko, sinabi ko.

“Tinanong ko siya kung ilang taon na sa ospital na iyon. Magsa­sampung taon na raw. Tinanong ko kung may asawa. Sagot ba naman ay “obvious ba? Mahigit na akong fifty ’no?” Sabi ko’y hindi siya halatang 50. Med­yo nasiyahan yata at ang sabi sa akin e ma­sarap daw akong ka­kuwentuhan. Biniro ko, sabi ko’y  masarap din akong kakuwentu—. Sabi ba naman, “ay bas­tos mo naman Sam”.

Sabi ko totoo iyon. Maniniwala ka ba Bro na ng gabi ring iyon ng Huwebes ay na­dale ko si Tanda?

“Owww!”

“Walang biro, Bro. Sa tinutuluyan pa niyang villa kami nag-ano…”

Bilib na ako kay Sam. Mabilis talaga sa babae. Hindi pa tapos ang kuwento niya. Marami pa siyang sinabi tungkol kay Tanda.

(Itutuloy)

Show comments