^

True Confessions

Ellang (ika-139 na labas)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

MATAPOS kumain ay ipinagpatuloy namin ang kuwentuhan sa salas. Ikinuwento ni Nanay Encar kung paano sila nagkakilala ng namaya­pang asawa na si Nando. Nakilala raw niya ito habang nag-aaral ng high school sa Pinamalayan. Mula noon ay hindi na siya nilubayan. Hanggang sa maging magkasin­tahan sila. Nagtapos sila ng high school. Hindi na raw nakapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo si Nanay Encar dahil kapos sa pera. Sa halip ay nag-aral na lamang ng pana­nahi sa Pinamalayan Vocational School. Si Nando naman daw ay nag-aral ng marine engineering sa Feati sa Maynila. Nang makatapos ay agad nag-aplay ng trabaho sa isang shipping company at na­tanggap. Nagpalipat-lipat sa iba pang magandang kompanya hanggang sa matagpuan ang pinaka­ma­ganda at may mala­king suweldo.

“Pero doon pala siya mamamatay. Ang sakit ng nangyari sa amin bayan. Iyak ako nang iyak. Ma­buti na lamang at tapos na ang aming mga anak kung hindi ay anong hirap siguro.”

“Talagang maganda ang pagsasama ninyong mag-asawa ano, Encar,” tanong ni Inay.

“Ay mandin.”

“Napakabait kasi ni Nando, Maring. Ni minsan ay hindi kami nag-away. Pasensiyoso yun.”

“Masuwerte ka sa asa­wa, Encar.”

Napansin ni Nanay Encar na humihikab ako.

“Ay  inaantok na si bun­tis. Teka at ihahanda ko ang inyong magiging kuwar-tong mag-ina. Sandali la­mang at aayusin ko.”

Pumanhik sa second floor si Nanay Encar.

“Napakabait pala talaga niya Inay. Hindi nga tayo nagkamali na dito pumunta. Parang kapatid ang turing sa iyo ni Nanay Encar.”

“Sabi ko nga sa’yo, mabait ‘yan.”

Ilang sandali pa at bu­maba na si Nanay Encar.

“Halika na Ellang at matulog ka. Alam kong pa­god na pagod kayo sa biya­he. Ikaw Maring, matutulog ka na rin ba?”

“Hindi. Magkuwentuhan pa tayo Encar.”

“Sige. Ihahatid ko lang sa kuwarto niya si Ellang.”

Malaki ang kuwarto at may malaki at malambot na kama. May  sariling TV. Pagsayad ng aking likod sa kama ay agad akong naka­tulog.

Nang magising ako ay dakong alas sais na. Iyon ang isa sa pinakamasarap kong pagtulog. Napakasa­rap ng amoy ng hangin na naglalagos sa bintana ng kuwarto — amoy pinipig. Hindi na kailangan ang electric fan sa kuwarto.

Nang bumaba ako sa salas ay naroon pa sina Inay at Nanay Encar na nagkukuwentuhan. Nagtatawanan pa kung minsan.

Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa malawak   na bakuran. Nakita ko ang mga namumulaklak na ha­la­man. May  pula, dilaw, puti ang bulaklak. Napakasarap pag­masdan ng mga hala­mang namumulaklak. Fresh na fresh.

Pumasok pagkaraan ng kalahating oras at wala na sa salas ang dalawang mag­kaibigan. Nagtungo ako sa kusina. Naroon ang dalawa at naghahanda ng kakainin sa hapunan. May isang babae, mga 40 years old na tumutulong sa pag­gayat ng mga isasahog sa niluluto.

“Ay gising na pala si buntis,” sabi sa akin ni Na­nay Encar. “Anong ulam baga ang gusto mo, Ellang?”

“Kahit na po ano.”

“Ginataang manok, pritong tanigue, manggang hilaw na me bagoong alamang, puwede na?”

“Opo. Masarap po  ‘yon.”

Isang masararap na hapunan ang aming pinag­saluhan. Pakiramdam ko, puputok ang suot kong shorts.

Kinabukasan ng uma­ga ay maaga akong nagi­sing at tinulungan ko si Nanay Encar sa pag­didi-lig ng kanyang mga hala­man sa bakuran.

“Mamayang alas nu­we­be ay pumunta tayo sa bayan ng Pinamalayan at magpa-check-up ka. May magaling na Ob-Gyne sa bayan. Para masiguro na maayos ang bata sa tiyan mo. Kilala ko ang Ob- Gyne kaya sigurong matu­tutukan ang baby mo…”

Napakabait talaga ni Nanay Encar.

“Pagkatapos nating magpa-check-up ay ipa­pas­yal ko kayo sa bayan para makita mo nang husto.”

Eksaktong alas nu­webe ay umalis na kami. Sakay kami ng isang To­yota Revo na ang nagda-drive ay pamang­kin ni Aling Encar. Bago ang Revo. Binili raw ng kan­yang anak na sa Syd­ney para magamit ni Nanay Encar sa pagbibi­yahe sa bayan at kapag luluwas din sa Maynila.

(Itutuloy)

ENCAR

NANAY ENCAR

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with