^

True Confessions

Police asset itinumba

-

SAN FERNANDO, La Union -- Nabawi ng defending team champion Cossack Vodka ang pangunguna sa 2007 Tanduay Padyak Pinoy matapos ang mahusay na pagpedal sa 213-kilometer sixth stage mula Laoag patungo dito.

Hindi naasahan ng dating leader na Vellum ang kanilang kapitan na si Frederick Feliciano na  na-dislocate ang collar bone na sumira sa kanilang planong agawin sa Cossack ang titulo.

Nanguna ang team Caltex  sa stage sa oras na clocking 20 hours, 35 minutes at 29.231 seconds, ka-sunod ang Cossack checked  na may oras na 20:-37:47.533 para sa kanilang  total time na 76:13:12.014.

Umahon ang Caltex sa second overall, 4:20 minuto ang layo sa Cossack riders, kasunod ang Vellum na 11 minuto na ang layo sa Cossack tulad ng  fourth-place na Cool Pap patungo sa crucial na Baguio stages na magsisimula ngayon.

”Kawawa naman si Feliciano. Sayang naman. Sana makarekober siya agad.” Sabi ni Cosaack Vodka coach Renato Dolosa ukol sa Vellum rider na sumem-plang sa paahong bahagi ng bayan ng Santa.

Si Feliciano na umakay sa Vellum team na nanguna sa Stage 5 team time trial mula Vigan hang-gang Laoag para agawin ang team overall leadership, ay dinala na sa Maynila para bigyan ng lunas.

Ang Champion team ng individual defending champion na si Santy Barnachea  ay 12 minutes behind sa ikalimang puwesto kasunod ang Mail & More na 20:25 behind.

vuukle comment

ANG CHAMPION

CALTEX

COOL PAP

COSAACK VODKA

COSSACK VODKA

FREDERICK FELICIANO

LAOAG

RENATO DOLOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with