Warat na sapatos ni Cinderella (ika-53 na labas)
March 18, 2007 | 12:00am
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)
"MAY dyowa ka na, ha, Cindy?" tanong ng anak ni Ate Pacita na ang pangalan ay Marlon. Sa tingin ko ay parang naka-durog ng tanghaling iyon. Si Ate Pacita ay abala sa pagkukuwenta nang napagbentahan.
"Meron na. May isang anak."
"Para kang single pa. Siguro binobolah mo lang ako, Cindy."
Medyo nagbubuhol ang dila ni Marlon. Na kadurog nga ito. At parang pinagti-tripan ako. Kung anu-ano ang tinatanong.
"Umiinom ka ba Cindy?"
"Ng tubig?"
"Wow naman. Alak ang ibig kong shabihin."
"Hindi."
"Owww. Masarap ang alak kapag simsim lang. Minsan yayain kita ha gimik tayo."
Walanghiyang ito at akala yata ay madali akong makuha. Parang pokpok yata ang dating ng beauty ko.
"Buong-buo pa ang wankata mo, Cindy. Siguro hindi ka nagpi-pills ano?"
Gusto kung talikuran si Marlon pero natatakot na man ako at baka magalit. Ang isang nasa impluwensiya ng droga ay basta na lamang gumagawa ng masamang hakbang. Pinili kong maging kalmado. Hayaan ko na lamang siya sa pag-titrip.
"Matagal ka ba rito sa tindahan, Cindy."
"Ilang buwan pa lang."
"Sana kinuha na agad kami ni mama noon para nadalaw agad kita rito."
Ang walanghiya at talagang ayaw tumigil. Gusto akong paniwalain na may "tama" siya sa akin.
Natigil ang pangungu-lit sa akin ni Marlon nang tawagin ng ina. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko nakalibre na ako kay Kuya Mario pero meron pa palang pumalit at addict pa yata.
Ilang araw na hindi nagpakita si Marlon sa tindahan sa palengke kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Wa lang makulit at istorbo.
Pero sa muling pagsulpot niya sa damitan, ay may bago na namang ipinakita sa akin  ang "ari" niya. Shock na shock ako. Mas matindi pa yata ang walanghiya kaysa kay Kuya Mario.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am