^

True Confessions

Sadik (47)

-
NANG matapos ang ginagawa sa aming kuwarto ni Susan ay lalo pa kaming nasiyahan sapagkat sinabi ni Sadik na kailangan ay mga bago ang ilagay naming kasangkapan doon. At hindi kami makapaniwala ni Susan nang ibili kami ni Sadik ng 21 inches na TV na may kasamang video cassette player.

"Okey bah Antonio?" sabi ni Sadik nang sorpresahin kaming dalawa ni Susan isang gabi.

"Okey, Sadik. Shokran cater! Cater!"

"Okey bah Susan?"

"Okey na okey Sadik."

Nang umalis si Sadik ay agad naming inayos ni Susan ang bagong TV.

"Akalain mo sa Pilipinas ay pinagtiyagaan natin ang maliit na TV na matagal kong hinulugan."

"Dito lang pala tayo makararanas makapanood sa malaking TV ano Tony."

"Mabait talaga si Sadik."

"Kaya nga wala na akong balak umalis dito."

Lalo pa kaming naging matapat kay Sadik at sa kanyang matandang ina. Hindi naman kami itinuring ni Sadik na mga alila o katulong kundi mga kapatid.

Nang mamatay ang ina ni Sadik ay labis kaming nalungkot ni Susan.

(Itutuloy)

AKALAIN

DITO

ITUTULOY

KAYA

MABAIT

NANG

PILIPINAS

SADIK

SHOKRAN

SUSAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with