^

True Confessions

Sadik (ika-39 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

"LA! Ethm!" sabi ni Sadik na hindi namin namalayan ang pagpasok. Masyado kaming natangay ni Susan sa sandaling iyon. Sabik sabik kasi ako kay Susan kaya kahit na medyo kumikirot pa ang aking sugat ay nangahas na ako.

Pero pagkatapos mag-salita si Sadik ay humalakhak ito nang todo. Hindi mapigil ang pagtawa. Akala ko ay galit iyon pala ay binibiro lang kami.

"Mafi muskila Antonio and Susan. Don’t worry!"

"Shokran Sadik," sabi ko. Sinabi ko rin sa kanya na ipinagtapat na ni Su- san sa akin ang lahat na siya pala talaga ang aking boss. Sinubukan lamang niya ako. Napangiti lamang si Sadik. Nagpasalamat pa ako nang marami.

"No problem my friend," sagot. "How are you Antonio? Okey nah bah ikhaw?"

Napahagikgik kami ni Susan sa singaw na pananagalog ni Sadik.

"Okey na okey, Sadik. My wife is here and I am very happy. Thank you again. Thak you many-many," at sinundan ko ng tawa.

"Mafi muskila, Antonio. Anything you want, don’t bother to tell me."

Bigla kong naaalala ang pinag-usapan namin kanina ni Susan na sana ay huwag na itong pauwiiin at i-hire na lamang na maid. Sabihin ko na kaya sa kanya para madali nang mag-follow -up kung sakali. Tutal din lamang naman at tinatanong niya ako sa mga gusto ko bakit hindi ko subukan ngayon. Ito na ang magandang pagkakataon.

"Do you have a problem, Antonio?"

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa sa pagsa-sabi kay Sadik. Iyon na ang tamang pagkakataon. Sinabi ko na maaari ba niyang i-hire si Susan bilang maid sa bahay. Sanay na sanay na sa gawaing bahay si Susan bukod doon ay masipag, mabait, maaasahan, mapagkakatiwalaan at matulungin. Kung iha-hire niya si Susan, mas lalo pa akong gaganahang magtrabaho dahil kasama ko na siya. Maski hindi na kami umuwi sa Pilipinas at dito na lamang sa Riyadh, mamalagi. Hindi na kami aalis kahit kailan. Sinabi ko na lahat. At iyon naman ang totoo. Handa akong dito na manirahan sa Riyadh. At baka dito na rin kami magkaanak ni Susan.

Sinabi ko rin na kung 15 days ko lamang makakapiling si Susan ay baka mahomsik ako nang todo lalo pa nga at nagpapagaling pa ako. Malaking tu-long sa akin si Susan para mabilis akong makarekober.

"Sadik, please…"

Nagtawa nang nagtawa si Sadik. Hindi ma-pigil. Nangamba ako na baka ayaw niya. Baka tanggihan ang hiling ko at sabihing masyadong mahal kung kukuha ng maid sa Pilipinas. Bukod sa mahal ay marami pang aayusin sa embassy at sa POEA. Ganoon man, tinatagan ko ang sarili ko. Nagdasal din ako na sana’y pumayag si Sadik. Talagang gusto kong makasama nang pangmatagalan ang aking asawang si Susan.

(Itutuloy)

AKO

ANTONIO AND SUSAN

MAFI

PILIPINAS

RIYADH

SADIK

SINABI

SUSAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with