Ebo at Adan (ika-74 na labas)
September 30, 2006 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)
IYON pala ang dahilan kaya hindi siya natatakot. Ang alam niya ay may erectal dysfunc-tion pa ako. Ang asawa ko pa mismo ang nagkuwento na hindi na tumatayo si "Sir Peter".
"Totoo ba iyon, Dan?" mababa ang tinig ni Joan. Hindi nangangantiyaw ang kanyang boses kundi naaawa. Talagang paniwalang-paniwala siya na may erectal dysfunction pa ako.
Nagpasya akong magsinungaling sa kanya.
"Totoo, Joan. Me erectal dysfunction nga ako."
"Kawawa ka naman."
"Mabuti ka pa naaawa sa akin samantalang ang asawa ko, hindi."
"Hindi mo siya masisisi Dan. Kasiy ang ipinagkaganyan mo raw ay dahil sa pambababae "
"Nagbago na ako, Joan."
"Nakikita ko nga "
"Pero hindi nakikita ni Rina. At ang masaklap, lalo pang lumayo ang loob niya sa akin "
"Kasi ngay nalaman niya na kung sinu-sino palang babae ang naikama mo. Siya raw ay matapat sayo pero ginantihan mo nang napakasakit "
"Nagsisisi na ako."
"Nagpatingin ka ba sa doctor tungkol sa sakit mo?"
Pinanindigan ko ang pagsisinungaling na mayroon pa akong erectal dysfunction. Bahala na.
"Kawawa ka naman, Dan," sabi niya.
"Natanggap ko na ito, Joan."
"Siguro naman magagamot pa yan."
"Sana nga."
"Matulog na tayo, Dan."
Kumilos siya para mahiga. Inayos ko naman ang hihigaan.
"Good night Dan."
"Good night."
Matagal pa rin ako bago nakatulog. Paminsan-minsan ay tinitingnan ko si Joan. Tulog na agad. Napakadaling gumawa ng tulog ng babaing ito este tomboy pala.
Kinabukasan, wala na siya sa higaan. Siya ang naghahanda ng almusal katulong ang maid.
"Maliligo ka ba o kakain muna, Dan?" tanong niya nang pumasok sa kuwarto.
"Maliligo muna ako."
"Sige. Sabay na tayong kumain."
Masaya akong naligo. Sa unang pagkakataon ay magsasabay kami ni Joan sa pagkain. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am