^

True Confessions

Ebo at Adan (ika-53 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

"ALAM mo, ako ang nahihirapan sa kalagayan mo," sabi ni Hilda. Nakahiga kami sa kanyang makipot na kama habang nagkukuwentuhan. Sanay na ako sa kamang iyon. At kung kami man ay magkakahiwalay ni Hilda, maaalala ko na minsang kami ay nagsalo sa makipot na kamang iyon.

"Wala naman akong magawa, Hilda. Gustuhin ko mang gantihan si tibo ay hindi ko magawa. Natatakot ako."

"Sabi ko nga sa’yo huwag mo nang patulan. Nag-ooffer naman ako ng tulong, ayaw mo."

Nag-isip ako sa ipinipilit niyang tulong. Baka nga kung tanggapin ko ang tulong ni Hilda ay maging daan para mailayo kay tibo ang misis kong si Rina.

"Ano nga bang tulong ang naiisip mo, Hilda? Hindi ko pa rin ma-imagine kung ano ang gagawin."

"O ‘kala ko ba ayaw mo ng tulong ko?"

"Ano nga ang naiisip mong tulong?"

"Aakitin ko si tibo hanggang sa maagaw sa dyowa mo."

"Paano?"

"Basta akong bahala. Alalayan mo lang ako. Siyempre kailangang me ayuda."

Napakamot ako sa leeg. Parang mahirap ang naiisip ni Hilda. Duda ako.

"Sige nga, masubukan ang binabalak mo. Baka sakali."

"Umpisahan ko bukas. Basta ibigay mo lang sa akin ang mga lugar na tinatambayan ng asawa mo at ni tibo."

"Hindi kaya lumabas na ikaw ang parang tibo sa gagawin mo?"

Tinampal ako sa pisngi ni Hilda.

"Paano ako magiging tibo e magpapa- tsarming nga ako sa kanya. Aakitin ko hanggang bumigay..."

"Paano kung ayaw bumigay?"

"Napaka-negative mo naman pards," sabi at tinampal ako sa may "ano". Mabuti at marahan lang. Napapitlag ako.

"Siyempre, iniisip ko rin naman ang magiging outcome."

"Basta isipin mo na makukuha ko si tibo sa asawa mo. Okey?"

"Okey po Mam!" At siya naman ang tinampal ko sa may "ano" niya. Napapitlag si Hilda. Umuga ang kamang makipot na aming kinahihigaan.

(Itutuloy)

AAKITIN

AKO

ALALAYAN

ANO

HILDA

NAPAPITLAG

PAANO

SIYEMPRE

TIBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with