^

True Confessions

Ebo at Adan(47)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

MAHIGIT P50,000 ang magagastos sa operasyon ng nanay ni Hilda. Sinabi iyon sa akin ni Hilda sa pagitan ng pag-iyak.

"Umiiyak ka pa e na-rito na nga ako. Huwag kang magpanic at tutulungan kita."

"Kaya ako umiiyak ay wala akong maibaba- yad sa ipahihiram mo."

"Hindi naman kita sisingilin e natatakot ka."

"Siyempre sisingilin mo nga ba ako."

"Basta, relax ka lang diyan. Basta sabihin mo lang kung kailangan na ang pera at ihahanda ko."

"Salamat Dan."

"Okey lang ‘yon, Hilda."

Naoperahan ang nanay ni Hilda at ang sabi ng doctor, kung hindi naagapan ay maaaring ikamatay. Iyon daw ang kadalasang sakit ng mga nasa probinsiya lalo na ang mga magsasaka at mangingisda. Binabalewala ang pagkain sa oras. Nalilipasan ng gutom.

"Okey na ang inay ko," masayang balita ni Hilda.

"Nakikita ko nga sa mukha mo. Hindi na lukot."

"Mga dalawang araw pa raw ay maaari nang lumabas."

"Bukas ibibigay ko sa’yo ang pera."

"Salamat, Dan. Nakasangla na talaga ako sa’yo. Sabagay, mas mabuti pa ngang sa’yo na ako magpaalipin. Kilala na kasi kita."

Hinawakan ko ang pa-lad niya at pinisil.

Nakalabas sa ospital ang nanay ni Hilda at makaraan pa ang ilang araw ay inihatid na niya sa probinsiya. Hindi ipinaalam ni Hilda sa ina kung sino ang nagbayad sa ospital. Kung natutuwa si Hilda sa pagkakaligtas ng ina, natutuwa rin ako. Nakatulong kasi ako sa kulang palad. Nailigtas ang buhay dahil sa tulong ko.

Dalawang araw ang nakalipas ay balik na naman sa club si Hilda. Doon ko siya pinuntahan. Wala na nga siyang problema. Nabunutan ng tinik.

"Sa kuwarto ko ikaw matulog, Dan."

"Wow, ikaw pa ang nagyayaya ngayon ha?"

"Mayroon akong iaalok na tulong sa problema mo kay tibo…’’

‘‘Ano ’yon?

"Mamaya na lang!’’

(Itutuloy)

AKO

ANO

BATAY

BINABALEWALA

BUKAS

DALAWANG

HILDA

HINAWAKAN

SALAMAT DAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with