^

True Confessions

Ebo at Adan (ika-35 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

KINABUKASAN ay nasa club na naman ako na pinaglilingkuran ni Hilda. Palibhasa’y tagumpay sa unang attempt si "Sir Peter" gustong ulitin ang sultada.

"Hindi ka ba nagsa- sawa sa pagpunta rito, Dan?" sabi ni Hilda nang nasa VIP room na kami.

"Ba’t naman ako magsasawa e kagabi lang naman tayo nagkasama nang todo."

"Tinatanong ko lang kasi ang ibang lalaki kapag natikman na ang "lutong bibingka" nauumay na. Ayaw nang magpakita..."

"Iba ako Hilda. Kapag nakakain ako ng bibingka lalo akong ginaganahan."

"Hindi ka magsasawa sa bibingka?"

"Hinding-hindi."

Nagtawa si Hilda.

"Ba’t ka nagtawa?"

"Wala."

"Aba masama na ‘yan, nagtatawa ka nang walang pinagtatawanan."

"Pinagtatawanan ko lang ang sarili ko."

"Bakit?"

"Kasi, hindi ko naman alam kung may aasahan ako sa’yo ay kung bakit tila nahuhumaling na ako sa’yo."

"Talaga?"

"Binata ka ba talaga o may asawa na, Dan?"

Sukol ako sa tinanong niya. At balak kong huwag nang magsinungaling. Nagkakaseryosohan na kasi. Ipinagtapat ko sa kanya ang lahat.

"Sabi ko na nga ba at may asawa ka na. Tama nga na lahat nang nagpupunta rito sa club ay mga nakatali na."

"Sorry Hilda. May malaki kasi akong problema dati. Sa kalituhan ko, nakapagsinungaling ako."

"O ayan, bibiruin mo na naman ako e bistado na kita."

"Totoo na ito, Hilda. May problema akong malaki kaya naisipan kong magsinungaling sa ‘yo. Pakinggan mo ako..."

"Sige nakikinig ako."

Sinabi ko ang problema kay "Sir Peter". Sinabi ko rin na dahil sa hindi ko na maibigay kay Misis ang "pangangailangan" niya ay naisipang pumatol sa isang tibo. At ang matindi pa nga ay sa sariling bahay ko pa ginagawa ang kahalayan.

"Naabot ko pa nga silang nag-aano..."

Tila nagimbal si Hilda.

"Hanggang ngayon, sila pa rin?"

"Oo."

"Kagabing umuwi ako, sa kabilang kuwarto na siya natutulog katabi ng tibo."

"Kawawa ka naman pala."

"Iyan ang dahilan kaya ako nagsinungaling. Ang totoo, kaya lang naman kita kinuha para makapartner e para matesting kung okey pa si "Sir Peter". At nagpapasalamat ako sa’yo Hilda."

"Malaki pala ang utang na loob mo sa akin."

"Oo. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran."

"Bayaran mo ako ng pera."

"Magkano?"

Biglang nagtawa si Hilda.

"Ba’t ka nagtawa?"

"Wala."

"Sira ka na ba talaga?"

"Oo nasisira ako dahil unti-unti, umiibig ako sa’yo..."

Ako naman ang natigilan. (Itutuloy)

AKO

AYAW

HILDA

NAMAN

OO

SINABI

SIR PETER

SORRY HILDA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with