WALANG kakupas-kupas si "Peter Tigas" at hindi ako pinahihiya. Siguro ay bihira sa lalaking katulad ko ang makagagawa ng ganoon. Naka-sideline na sa iba ay nagawa pa ang tungkulin sa orihinal na asawa. At wala akong iniinom na kung anu-anong pampasigla. Ni walang bitamina at mga juice na pampatibay daw. Kalokohan lamang iyan. Hindi ako naniniwala riyan.
"Bat ka ginabi, Dan?" tanong ng misis kong si Rina pagkatapos kong mapali-gaya.
"Nag-OT ako di ba?"
Tumingin sa akin. Inabot ang panty na hinubad kanina. Isinuot.
"Hinintay talaga kita, Dan."
"Alam ko. Ang init mo nga e."
Bahagyang napangiti si Rina sa sinabi ko.
Walang kaalam-alam si Rina na mayroon akong dini-date na tsik. Mahusay akong magtago ng lihim. Ni minsan, hindi niya ako nahuli. Magaling talaga akong dumiskarte.
Dating nagtatra- baho si Rina sa isang kompanya pero mula nang maipanganak ang aming bunso ay hindi na nagtrabaho pa. Dalawa ang aming anak, isang babae at isang lalaki. Kahit naman hindi magtrabaho si Rina ay walang problema sa amin dahil kayang-kaya ko silang pakainin. Malaki ang suweldo ko at matatag ang aking trabaho. May sarili kaming bahay at lupa. May-roon din akong lupain sa Laguna na may tanim na palay, niyog, lansones at kung anu-ano pa.
Kaya wala kaming problema ni Rina sa pera. Kung ang ibang mag-asawa ay problema ang pera, kami ay hindi.
Naging taong bahay si Rina at okey naman sa kanya ang ganoon. Siya naman ang babae na hindi mahilig sa layasan. Marami si-yang kaibigan pero mas gusto pa yata niyang magkulong sa bahay. Paminsan-minsan ay lumalabas kami at nanonood ng sine. Kumakain din kami sa labas kapag wala akong gaanong "gawain" sa opisina.
Ang pagiging taumbahay ni Rina ang lalong nagpalakas ng loob sa akin para mambabae pa nang mambabae. Paanoy alam kong hindi siya ma-huhuli dahil nasa bahay lang siya. Imposibleng mabuking niya ang mga ginagawa ko.
Ang sinisiguro ko lang ay maibibigay ko kay Rina ang hinihingi niyang "pangangailangan ng katawan". Kapag iyon ang hindi ko naibi-gay, baka mabuking na niya ako. (Itutuloy)