^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (88)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

MABILIS akong sumakay sa isang dyipning nakatigil at naghihintay ng pasa-hero. Mas mabuti kung nasa loob na ako ng dyipni at marami ang makakakita.

Nang makasakay sa dyipni ay nilingon ko ang lalaki kung patuloy pa ring nakabuntot sa akin. Wala na! Saan kaya nagpunta?

Pagdating sa bahay ay palihim kong si- nabi kay Donna ang tungkol sa lalaking nakabuntot sa akin.

"May mahalaga siyang sasabihin sa’yo Ate," sabi ni Donna.

"Ano naman kaya iyon?" "Siguro’y liligawan ka…"

"Ayaw ko sa DOM!"

Kinabukasan, naatrasado ako ng pag-uwi dahil isinalang ako sa kaha. Nag-absent ang kahera kaya ako muna ang pinaupo.

Bago umuwi ay kailangan munang maayos na lahat ang mga pinagbentahan. Inabot ako ng alas diyes ng gabi.

Kakaunti na lamang ang naglalakad sa kalye. Dahil sa pagod ay hindi ko na naisip na maaaring sinusundan ako ng lalaki. Huli na para malaman kong nasa likuran ko nga siya.

"Miss puwede kang makausap. Hindi ako masamang tao," sabi ng lalaki.

Hindi ako makakilos dahil sa pagkabigla. "Itatanong ko lang kung ikaw ba yung nakita ko sa Black Roses..."

Nagulantang ako. Maaari kung kasosyo ito ni Mr. Lee.

Gusto kong tumakbo pero wala akong lakas. Takot ang nangibabaw sa akin.

(Itutuloy)

AKO

ANO

AYAW

BATAY

BLACK ROSES

DAHIL

HULI

INABOT

MR. LEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with