Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-85 na labas)
July 4, 2006 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)
ANG lalaki ay mahigit marahil 50 anyos. Guwapo. Matangkad. May mga puti na ang buhol. Sa itsura niya ay mahahalatang galing sa mayamang pamilya. Maayos ang kanyang pananamit.
Ilang beses ko nang napapansin ang lalaki. Pabalik-balik sa may puwesto ko. Nakatingin sa akin na para bang kinikilatis akong mabuti. Pero hindi ko siya binigyang pansin.
Pero nang muli kong makita makalipas ang ilang minuto ay kinabahan na ako. Ano kaya ang gusto ng lalaki at palagi akong tinitingnan.
Nilapitan ko ang kasamahan kong saleslady at ipinagtanong kung kilala niya ang lalaking pabalik-balik sa may puwesto ko.
"Sinong lalaki, Che?" tanong ng kasamahan kong si Marilyn.
"Guwapo siya. Me edad na. Kanina pabalik-balik dito sa may puwesto natin."
"Hindi ko nakita. Marami kasing taong pabalik-balik dito."
"Kanina ko pa siya napapansin at kinakabahan ako."
"Eto naman nakakanerbiyos. Para kang kikidnapin."
"Kasiy kakaiba ang pagkakatingin niya sa akin."
"May mga tao talagang kung tumingin ay kakaiba."
"Iba ang lalaking iyon."
Nang umuwi ako ng bahay ay sinabi ko kay Donna ang tungkol sa lalaki.
"Hindi kaya namukhaan ka niya Ate?" tanong ni Donna medyo may pag-aalala.
"Namukhaang paano?"
"Namukhaan ka sa Black Roses. Baka customer ang lalaki at sa dalas pumunta roon ay nakilala ka."
Posible nga. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 27, 2024 - 12:00am