Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-72 na labas)
June 21, 2006 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)
NGUMISI si Mang Angel na para bang sinasabi ng kan- yang ngiting-aso na "santa-santita." Para ring sinabi ng kanyang mga ngiti na "pumiyok ka pa, iyon pala ay dito ka rin babagsak". Nang hipuan niya ako ng madaling-araw na iyon ay nagsisigaw ako kaya nalaman ang kanyang masamang tangka. Hinabol siya ni Inay ng saksak.
Natapos ang palabas namin ng gabing iyon na hindi ko alam. Lumilipad ang isip ko. Tiyak na ako na ang susunod na uutusan ni Bossing na maglantad ng kaluluwa. Nakikita ko rin na umaapaw na ang kanyang pagnanasa. Pero gaya ng pangako ko sa aking sarili, hindi ako susunod sa kanyang utos. Kung si Pearl at ang iba pang modelo ay nakaya niya, ako ay hindi. Maghahanda ako at bahala na kung ano ang kasunod. Basta ang pangako ko, hindi ako magagalaw ng Intsik na iyon.
Nang gabing umuwi ako, hindi ko akalaing makakasakay sa dyip-ni si Ate Au.
"Ate Au!"
Gulat na gulat siya.
"Kumusta ka Che?"
"Mabuti naman Ate "
"Kumusta ang inay mo?"
"Medyo okey na."
Sumama sa akin si Ate Au sa bahay. Habang naglalakad, ipinagtapat ko kay Ate Au na napilitan na akong pumasok sa Black Roses dahil nakautang ako kay bossing para pambayad sa ospital.
"Maniningil iyon, Che. Negosyante iyon. Kilala ko ang hayop na iyon "
"Nararamdaman ko na nga Ate Au."
"Mabait siya sa babae kapag hindi pa niya nagagalaw. Pero pag nakuha na, itatapon na."
"Itinapon na rin niya si Ina, Ate Au."
"Kilala ko siya Che. At alam mo, may binabalak ako sa kanya."
"Ano Ate Au?"
"Mamaya ko sasabihin sayo."
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended