Salamat, hinango mo ako sa putikan!(49)
June 3, 2006 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)
"BAHALA ka na diyan," sabi ni Ina nang maibigay sa akin ang mga damit.
Apat na piraso ng mga damit ang ibinigay sa akin. Sa tingin ko ay matagal nang nasa aparador. Tiniklop ko ang mga iyon.
"Dito mo ilagay," sabi ni Ina at iniabot sa akin ang malaking plastic bag.
"Sino ang nagsuot ng mga damit na ito Ina?"
"Ako."
"Parang mga bago pa a."
"Oo. Ilang suot ko lang yan."
"Ikaw ang bumili?"
"Si Bossing."
"Kasyang-kasya siguro ito sa akin dahil magkasing katawan tayo."
"Hindi na kasya sa akin yan. Tabatsoy na ako."
"Hindi naman. Seksi ka nga."
Hindi sumagot si Ina.
Nagpaalam na ako sa kanya.
Dumeretso muna ako sa inuupahan naming kuwarto. Iniwan ko roon ang damit at pagkaraan ay nagtungo na ako sa ospital.
"Anong nangyari Ate?"
"Nakautang na ako nang pambayad. Bukas ng umaga, maaari na nating mailabas si Inay,"
"Kailan ka raw magsisimula Ate?"
"Bukas ng gabi."
"Hindi ka kinakabahan?"
"Hindi."
Nang magising si Inay ay sinabi namin sa kanya na lalabas na siya bukas.
"Mabuti naman para makapasok na ako sa trabaho," sabi na bahagyang may garalgal sa boses.
"Huwag nyo munang intindihin ang pagpasok Inay," sabi ko.
"Magugutom tayo."
"Magtatrabaho ako Inay."
Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Inay.
Si Donna man ay nagulat sa sinabi ko.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended